• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAG-IWAN NG MATANDANG BABAE, HAWAK NA PULIS

HAWAK na ng Manila Police District Special Mayor Reaction Team o MPD Smart ang ilang indibidwal na sinasabing nang iwan sa isang matandang babae sa MacArthur Bridge sa Maynila.

 

 

Ayon kay P/Major Jhun Ibay, hawak nila ngayon ang isang Emerita Desilio at Efraim Tan Yap.

 

 

Depensa naman ni Desilio, napag-utosan lamang siya na alagaan  at dalhin sa isang center  ang matandang babae na si Fulgencia Tan, 76-anyos .

 

Ngunit desperado na at wala na ring magagawa dahil nagtitinda lamang ito ng sampaguita kaya iniwan na lamang niya ang matanda sa ilalim ng tulay na may sapin lamang na karton.

 

Dahil nakarating sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno, agad itong pinaaksyunan sa Manila Department of Social Welfare na ngayon ay nasa kanila nang pangangalaga.

 

Ayon naman kay Tan Yap, pamangkin ni Lola Fulgencia, abandonado na ang kanyang tiyahin.

 

Ang kanyang tiyuhin ay namatay na at walang anak si Lola Fulgencia.

 

Ayon kay Ibay, inihahanda na ang isasampang kaso sa mga naarestong nag-abandona sa matanda. (GENE ADSUARA)

Other News
  • PDu30, inatasan ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).   Sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay nagpahayag ng pagkadismaya ang Chief Executive sa patuloy na pagkalat ng nasabing sakit. […]

  • G7 Nation, magpapataw rin ng mga bagong economic sanctions sa Russia

    NAGKAISA  rin ang Group of Seven industrialized Nation na magpataw pa ng mga panibagong kaparusahan laban sa Russia.     Kaugnay pa rin ito ng mga ginagawang pananalakay ng Russia sa Ukraine na sanhi naman nang pagkasawi ng daan-daang mga sibilyan dito.     Nakasaad sa isang statement na nagkasundo ang G7 leaders na ipagbawal […]

  • ROCKETS, ‘NOT PRESSURED’ KAHIT NAIS NANG UMALIS NINA HARDEN, WESTBROOK

    WALA umanong nararamdamang pressure ang Houston Rockets na i-trade si James Harden o Russell Westbrook, kahit na naghayag na ang dalawang superstars ng kanilang interes na makalipat na sa ibang koponan.   Nananatili raw kasi ang paninindigan ng pamunuan ng Houston na hindi ite-trade ang dalawa hangga’t walang team ang nakakatapat sa asking price.   […]