• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Del Carmen tigasin sa WNBL Draft Combine

PINANGUNAHAN ng 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019 Finals Most Valuable Player na si Monique Allison del Carmen ang 54 pang ikalawang grupo ng mga aspirante na nagladlad ng kanilang talento  sa ikalawa’t pinaleng ng araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 nitong Linggo, Disyembre 13 sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.

 

Kapansin-pansin din bukod kay Del Carmen ng six-peat University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s basketball champion National University Lady Bulldogs, sina Gilas Women at dating University of the Philippines standout Fille Claudine Cainglet, na kapatid ng volleyball player na si Fille Saint Merced Cainglet-Cayetano, at iba pa.

 

Pribilehiyo ng mga point guard na ipakita ang kanilang husay maghapon sa pagdaan din sa kanilang liksi, bilis at lakas na kabilang sa basehan sa pagpili sa mga manlalaro na huhugutin naman sa unang draft din ng liga sa buwan ding ito.

 

Kabilang ang mga dumalo sa unang pangkat nitong Sabado, Dis. 12, nasa kabuuang 115 lady ballers ang bumahagi sa dalawang araw na okasyon para sa mga nangangarapna makapaglaro sa unang ligang propesyonal ng sport sa bansa sa papasok na taon. (REC)

Other News
  • Naging emosyonal nang balikan ang hinarap na pagsubok… NADINE, nahirapang magbuntis at muntik pang malaglag ang ikatlong anak

    EMOSYONAL na binalikan ni Nadine Samonte ang mga hinarap niyang pagsubok bilang isang ina, kabilang noong sabihan siya ng doktor na hindi siya puwedeng magkaanak.     At nang mabuntis, kamuntikan pang malaglag ang isa niyang anak.     “Kasi sinabihan ako ng doctor na I can’t have kids noong 2013, 2014 hanggang 2015 na […]

  • Pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac, ipinag-utos ni PDu30

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac.   Ito’y dahil sa masyado ng prone ang Metro Manila sa mga natural disasters gaya ng lindol, baha at bagyo.   Nakasaad sa  Executive Order 119  na ipinalabas ng Malakanyang na inaatasan nito ang mga ahensiya […]

  • 2 bagong kaso ng COVID-19 kinumpirma ng DOH

    MAYROONG panibagong dalawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas kung saan sa kabuuan ay meron nang lima ang naitatala sa bansa. Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) kahapon, Marso 6.   Sa ginanap na press briefing, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa ikaapat na bagong kaso ay isang […]