• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Del Rosario lusot laban kay Superal

NAKAUNGOS si Pauline del Rosario sa matensyong, inulang duwelo kay Princess Mary Superal sa pagpasok ng par sa 17th habang bogey sa huli para sa one-stroke victory at at magreyna sa kakahataw lang na ICTSI Riviera Championship sa Silang, Cavite.

 

Magkabuhol ang dalawa pa-Langer course signature hole kung saan sinara ni Del Rosario ang third & final round sa 72 para sa 215 total upang hamigin ang P72K purse. Naka-216 aggregate at P52K si Superal sa two-tournament ng Ladies Philippine Golf Tour na pinandemya ng Covid-19.

 

“I didn’t think about the scores the whole round. I really just focused on playing my own game, given the strong rain which affected my club selections,” bulalas ni Del Rosario, 22, na binulilyaso rin ang pagwalis ng karibal na dumale sa ICTSI Riviera Invitational Challenge sa kalapit na Couples nitong Nobyembre.

 

May 77-266 para tumersera si Daniella Uy. (REC)

Other News
  • Kai, 36ers rumesbak sa Taipans

    MATIKAS  ang pagresbak ng Adelaide 36ers nang pataubin nito ang Cairns Taipans sa bendisyon ng 82-71 demolisyon kahapon sa 2021-2022 Australia National Basketball League sa Adelaide Entertainment Center sa Australia.     May 12 minuto na nakapaglaro si 7-foot-3 Pinoy cager Kai Sotto kung saan nakapag-ambag ito ng limang puntos, limang rebounds at tatlong blocks. […]

  • EMERGENCY HIRING PROGRAM NG DOH, INISNAB

    MISTULANG inisnab ng mga aplikante  ang inaalok na emergency hiring program ng pamahalaan para maging “augmentation” ng mga frontliners sa paglaban sa COVID19 pandemic. Ayon kay Health Usec Ma.Rosario Vergeire sa ginanap na virtual briefing, sa kabila ng may bakante at pondo pero hindi umano  kinagat ito ng mga aplikante. “Unfortunately,hirap na hirap na kami,kasi […]

  • LRMC magbibigay ng libreng shuttle service sa pasahero ng LRT1

    MAGBIBIGAY ng libreng shuttle service ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1).   Ayon sa LRMC, ang pilot implementation ng libreng shuttle service ay magaganap sa pagitan ng estasyon ng LRT 1 EDSA at Manila Bay ASEANA area kung saan magkakaron ng mga designated loading […]