• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Delay sa allowance ng mga health workers mula sa tatlong pampublikong pagamutan, sisilipin ni Sec. Roque

MAGSASAGAWA ng validation si Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa ulat na may umaalmang mga health workers bunsod ng pagkaka-antala ng kanilang allowance.

 

Batay sa impormasyon, mula umano ito sa tatlong government hospitals.

 

Ani Sec. Roque, makikipag-ugnayan siya sa DOH Finance upang malaman ang katotohanan sa napaulat na delay.

 

Aniya pa, dati ng nagalit si Pangulong Duterte nang nalaman nitong hindi nari-release ang bayad sa mga medical frontliners.

 

Kumbinsido si Sec. Roque na kung totoo man ang napabalitang muling delay sa allowance ng mga health workers ay may balidong dahilan at hindi papayag ang mga nasa likod ng pagri- release ng budget na muli silang masita ni Pangulong Duterte.

 

“Let me validate po muna itong impormasyon na ito dahil kung naalala ninyo ‘no si Presidente mismo ang nagalit noong nalaman niya na hindi nari-release itong mga bayad ng ating medical frontliners. Kampante naman po ako na dahil—na minsang naboldyak na ng Presidente iyong dapat boldyakin sa pag-delay ng release ng ganitong benepisyo sa medical frontliners ay mayroon sigurong very valid reason kung totoo ‘no,” ayon kay Sec. Roque

 

” But let me validate, Jam, first ‘no. Right after this program, I’ll get in touch with the DOH finance people,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Walk-in office ng DFA mananatiling sarado hanggang sa katapusan ng Abril

    Mananatiling sarado ang walk-in office para sa referrals ng assistance-to-nationals (ATN) cases sa Department of Foreign Affairs (DFA) Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (DFA OUMWA) hanggang Abril 30.     Sa isang abiso, inihayag ng DFA ang pansamantalang suspensyon sa kanilang operasyon matapos ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa […]

  • Ads December 22, 2022

  • Mga otoridad sa China kinumpirmang walang nakaligtas sa 132 kataong lulan ng pampasaherong eroplano

    KINUMPIRMA ng Civil Aviatioin Administration ng China na walang nakaligtas sa kabuuang 132 sakay ng bumagsak na pampasaherong eroplano sa southern China.     Sinabi ni Hu Zhenjiang, deputy director-general ng Civil Aviation Administration of China, lahat aniya ng 123 na pasahero at siyam na crew ang nasawi ng bumagsak ang flight MU5735 ng China […]