Delgaco sa rowing finals
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
TUMAAS sa lima ang event na kakasahan ng Philippine Rowing Association (PRA) bets sa Online 31st World Rowing Indoor Championships 2021 Finals sa Pebrero 23-27 sa pagpasok pa ng lima na pinangunahan ni PH 2019 Southeast Asian Games gold medalist Joanie Delgaco.
Pasok siya siya kasangga si Mireille Qua sa Under 23 Women 500 meters sa kakaharurot lang na Open Qualification Pathway.
Swak din sa pinale sina Alyssa Go at Kyra Louise Sandejas sa U23 Lightweight Women 500m, at Joachim de Jesus sa U23 Lightweight Men 500m.
Ang mga naunang pumalaot sa finals din ay sina sina 2019 SEA Games gold winner Melcah Jen Caballero sa Lightweight Women 500 at Wylene Lu sa U23 Lightweight Women 500 via January 24 Asian Continental Qualification. (REC)
-
PDu30, inatasan ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay nagpahayag ng pagkadismaya ang Chief Executive sa patuloy na pagkalat ng nasabing sakit. […]
-
PBBM pinatitiyak mga isolated areas ang prayoridad na mabigyan ng tulong dahil sa kalamidad
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga concerned agencies na prayoridad na mabigyan ng tulong ang mga isolated areas dahil sa kalamidad. Sa situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, iginiit ni PBBM na mahalaga ang papel at patuloy na suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) […]
-
Mga COVID-19 vaccines na iligal na ibinibenta ‘di puwedeng gamitin – FDA chief
Hindi na puwedeng gamitin pa ang mga COVID-19 vaccines na nakumpiska mula sa mga iligal na nagbebenta nito kamakailan. Sinabi ito ni Food and Drugs Administration director general Eric Domingo kahit pa napatunayan namang genuine ang mga nakumpiskang bakuna. Iginiit ni Domingo na walang katiyakan na maayos ang handling sa mga […]