• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Delivery boy kinuyog, sinaksak ng 3 magkakapatid sa Malabon

ISANG 38-anyos na water delivery boy ang sugatan matapos pagtulungan kuyugin at saksakin ng tatlong magkakapatid na kapitbahay niya sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa mukha at hiwa sa likod na bahagi ng leeg ang biktimang si Joel Parola alyas “Negro”, ng 300 Sitio 6, Brgy. Catmon.

 

 

Sa report nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Mardelio Osting kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa 290 Sitio 6, Brgy. Catmon matapos akusahan ng mga suspek na sina Jhon Michael Nabelon, 22, Marlon Nabelon, 28 at Martin Nabelon, 29, pawang residente sa Sitio 6, ang biktima na nambato sa kanilang bahay.

 

 

Lumabas ang biktima sa kanyang bahay upang itanggi ang akusasyon subalit, pinagtulungan siyang kuyugin ng mga suspek na armado ng basag na bote.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima ng kanyang kaanak sa nasabing pagamutan habang naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub Station 4 si Jhon Michael at narekober ang ginamit na basag na bote.

 

 

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya laban sa dalawa pang nakatakas na mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads November 21, 2020

  • PBBM, nakiisa sa pagsisimula ng Ramadhan

    NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino Muslim community sa bansa at sa buong mundo  sa pagsisimula ngayong araw ng Huwebes, Marso 23, ng Holy Month of Ramadhan.     “In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, I join the Filipino Muslim community here and around the world as they […]

  • LOOKOUT BULLETIN, INISIYU KAY MICHAEL YANG AT 8 IBA PA

    INILAGAY ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout bulletin si dating presidential adviser on economic affairs Michael Yang.     Si Michael Yang, o kilalang Yang Hong Ming, ay kabilang sa iniimbestigahan ngayon sa Senado dahil sa maanomalyang pagbili ng mga health supplies nitong pandemic.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na ang […]