Delta variant ng COVID-19 magiging ‘dominant’ na sa loob ng ilang buwan – WHO
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
Asahan na magiging dominant strain ng virus sa susunod na mga buwan ang Delta variant ng COVID-19.
Ito mismo ang naging pagtaya ng World Health Organization (WHO) matapos na maitala ang nasabing Delta variant sa 124 territories.
Dagdag pa ng WHO, maaaring mahigitan nito ang ibang variant na siyang kakalat sa maraming bansa.
Sa listahan kasi ng WHO ang Delta na variant na unang nakita sa India ay may mabilis na paghawa habang ang Alpha variant na unang natukoy sa Britain ay naiulat na nakarating sa 180 teritoryo, ang Beta naman na unang nadiskubre sa South Africa ay nakarating na rin sa 130 teritoryo at ang Gamma na unang nakita sa Brazil ay kumalat na rin sa 78 teritoryo.
Nitong buwan pa lamang ng Hulyo ay lumaganap na to sa mga bansa gaya ng Australia, Bangladesh, Botswana, Britain, China, Denmark, India, Indonesia, Israel, Portugal, Russia, Singapore at South Africa.
Tumaas ng 30 percent ang kaso nito sa Western Pacific region habang 21 percent ang pagtaas nito sa European region. (Daris Jose)
-
Nang mapanood ang movie nila ni Julia: ALDEN, ilang minutong ‘di nakapagsalita at naluha
AMINADO si David Licauco na noong bata pa, hindi naman daw niya naisip na magiging artista siya kaya hindi niya rin masabi na pinangarap niyang talaga ang maging action star. Pero, mahilig na raw siyang manood ng mga action films. “Siguro growing-up, pangarap kong maging Jackie Chan or Jet […]
-
5 istasyon ng LRT 1-Cavite Extension bubuksan ngayon November
MAGANDANG balita sa mga pasahero sa southern na lugar ng Metro Manila dahil limang (5) estasyon ng Light Rail Transit Line 1 – Cavite Extension ang bubuksan ngayon katapusan ng buwan. Ito ay ayon sa balita ng Department of Transportation (DOTr). Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na ang limang estasyon sa Phase […]
-
GRUPO NG MGA MIDWIFE SA BUONG BANSA, UMAPELA SA DOH
UMAPELA sa pamahalaan ang mga grupo ng mga kumadrona, partikular na sa Department of Health na huwag silang balewalain at kilalanin ang kanilang kontribusyon sa health sector. Ayon kay Patricia Gomez, Executive Director ng Integrated Midwife Associations of the Philippines, Inc., o IMAP, isa sa kanilang hinaing ay ang Administrative Order 2012-0012 na […]