DELTA VARIANT SA CAVITE AT BATANGAS, LOCAL TRANSMISSION LANG
- Published on July 27, 2021
- by @peoplesbalita
KLINARO ni Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo na ang limang kaso ng Delta variant sa rehiyon ay pawang mga local cases lamang at hindi isang local transmissions.
Ayon kay Janairo na may limang naiulat na kaso at sa limang naiulat, tatlo dito ay kaso ng Delta variant na naiulat ng National Epidemiology Center at dalawa dito ay mula sa probinisya ng Cavite at isa sa Batangas.
“These three cases were not from the community where they reside, but they were actually OFWs and two were from the Middle East who eventually went to their place of residence after their being quarantined and they were already confirmed negative of the virus,” paliwanang ni Janairo
Ang dalawang kaso ng Delta variant na naiulat ay isang 58-anyos na Tatay at kanyang 29-anyos na anak mula sa Calamba City, Laguna at iniimbestiogahan na kung paano nakuha ang virus.
Sinabi ni Janairo na ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit ay nagsasagawa na ng contact tracing activities sa pakikipag-ugnayan sa local government ng Calamba City.
“Nagmeeting na sila with local government at may mga contact tracing na ngang ginagawa sa ngayon, dahil initially ang exposure ay sa 3 tao ‘yung katulong, ‘yung household helper, ‘yung isa pang kapatid at may isa pang kasambahay doon na na-expose pero mga negative naman sila raw,” sabi nito.
“Importanteng malaman natin kung ilan talaga ang kaso ng Delta variant sa region, paano ito i-contain upang hindi na kumalat at dumami pa ang kaso.”
Ayon pa kay Janairo na hindi kailangang mag-panic kundi doblehin ang pag-iingat upang makaiwas at makinig sa mga anunsyo at alintuntunin ng mga lokal na pamahalaan.
“Nananawagan din po ako sa mga residente na kasama sa priority list at hindi pa nabakunahan na magpalista na upang makatanggap ng bakuna laban sa covid dahil ito ay magsisilbing dagdag protekyon laban sa covid virus,” ayon pa kay Janairo. (GENE ADSUARA)
-
McGregor isusunod si Pacquiao
ISUSUNOD kita! Pasaring ito ni former Ulti- mate Fighting Championship (UFC) star Conor McGregor ng Ireland kay World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Emmanuel Pacquiao sa kanyang social media account. “I will be ready for Texas and Texas will be ready for my fans! Then Manny, (Pacquaio)” paskil ng dating UFC featherweight […]
-
Rober Downey Jr., returning to the MCU’s Avengers movies as Doctor Doom, not Iron Man
THERE is no Marvel Cinematic Universe without Robert Downey Jr. The return to the MCU will be through the actor playing a version of Doctor Doom. That much is clear, with the actor helping establish the foundation of the franchise and being one of the main stars during the […]
-
Nagbunga na ang mga hirap na dinanas sa ‘#MaineGoals’: MAINE, napansin ang galing sa hosting kaya nominated sa ’27th Asian TV Awards
CONGRATULATIONS to Maine Mendoza! All Access to Artists sends congratulatory message to their artist, Maine Mendoza, for being nominated at the 27th Asian TV Awards for Best Entertainment Presenter/Host and Best Lifestyle Programme: #MaineGoals. Nagbunga ang mga hirap na dinanas ni Maine sa pagti-taping nila ng lifestyle programme na #MaineGoals every week […]