• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deltacron binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center matapos na ma-detect sa Amerika at Europa

Binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center ang bagong variant ng COVID-19 na Deltacron.

 

 

Ito ay matapos na mapaulat na kumpirmadong na-detect ito sa 17 mga pasyente mula sa Amerika at Europa.

 

 

Ang Deltacron ay taglay ang magkahalong katangian ng Delta at Omicron variant ng COVID-19.

 

 

Sa ngayon ay naghihintay pa ng guidelines mula sa World Health Organization (WHO) ang pamahalaan hinggil dito.

 

 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na katangian ang deltacron kung kaya’t hindi pa malaman kung mabilis itong makakahawa.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga kinauukulan bilang paghahanda at upang mapigilan ang posibleng pagpasok nito sa Pilipinas.

Other News
  • PAHAYAG NI CONG. TOBY TIANGCO SA DICT HACKING INCIDENT

    NAGLABAS ng pahayag si Navotas Congressman Toby Tiangco na bilang Chair ng ICT Committee ng House of Representatives, ay lubos niyang ikinabahala ang tungkol sa insidente ng hacking kamakailan kung saan tinatarget ang Disaster Risk Reduction Management Division ng Department of Information and Communications Technology.         Ayon sa kanya, ang paglabag na […]

  • JENNYLYN, kinutuban pero wala talagang idea sa pagpo-propose ni DENNIS; wish nila na magkaroon naman ng baby girl

    “WE are getting married,” pahayag ng mga Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa “Chika Minute” ng 24 Oras last Friday, October 29.      Inamin na rin ni Dennis na isang intimate at simple, but heartfelt proposal lamang ang ginawa niya.     “Wala akong idea tungkol sa proposal,” sabi ni […]

  • Ads February 22, 2020