DENNIS at JENNYLYN, in ramdom namigay ng cash gifts sa iba’t-ibang tao bilang pamasko
- Published on December 28, 2021
- by @peoplesbalita
TIYAK na nagulat at natuwa ang nabigyan ng cash gifts ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado bilang pamasko nila sa kanila.
Nai-feature ito ng mag-asawa sa kanilang “After All” youtube vlog. Papunta ang mag-asawa para sa regular check-up ni Jen sa coming baby girl nila ni Dennis, at in random ang mga binigyan nila ng papasko.
Para hindi sila makilala ng mga binigyan nila, pareho silang naka-face mask.
First recipient ay isang taho vendor na tinawag ni Dennis sa labas ng bahay nila. Matapos mapuno ng taho ang malaking coffee mug, ibinigay na ni Dennis ang sobre at dahil umuulan noon, binigyan pa niya ng jacket at rubber shoes si manong na bago umalis ay nagpa-selfie pa sa kanila.
Nagulat din ang grab rider na nag-deliver ng food nila sa ibinigay ni Dennis.
Inabutan din ni Dennis ang security guard nila sa village. Sa labas ng village, isang pamilya na lulan ng kariton ang mga gamit nila ang tinigilan ni Dennis at inabutan.
Isang lalaki na nakatira sa tricycle kasama ang alagang aso ang sumunod na inabutan ni Dennis. Isang nanay na namamalimos kasama ang tatlong anak. Mag-iinang nakatira sa tabing daan.
Na-sorpresa rin ang first subscriber nila sa kanilang vlog na nasa abroad na pero ipinadala pa rin nila ang cash gift. Isang lola na naglalakad lamang habang nagbebenta ng mga ready-made dresses at last ang isang lolo na nangangalakal.
Kita ang happiness sa mukha nina Jen at Dennis pagkatapos nilang mamigay ng Pamasko.
***
MARAMI nang naghihintay na mga televiewers sa opening salvo for 2022 ng GMA Network, ang Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Mula sa big screen, mapapanood na ito ngayon sa primetime TV at may worldwide premiere na sila sa Monday, January 3, 2022, after The World Between Us sa GMA-7.
Ang first installment of this compelling drama series ay magtatampok sa isang malaking cast na pangungunahan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, sa isang mapanghamong character as Steffy Dy, kasama sina Ms. Sunshine Cruz as her boss, Christine Chan, Ms. Maricel Laxa as Valerie Lim, at si Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, the Matriarch of the Chan family.
Nasa cast din si David Licauco as Anton Chan, Nikki Co as Jameson Chan, Rob Gomez as Joseph Chan, and Dustin Yu as Kenneth Chan. In special roles sina Almira Muhlach, David Chua, Darwin Yu at Casie Banks.
***
COMEDY Queen Ai Ai delas Alas will cut short her vacation with her husband Gerald Sibayan and children sa North Carolina, dahil bago pa sila umalis papuntang Amerika ay nag-offer na sa kanya ang GMA Network ng isang drama series na pagbibidahan niya.
Matagal na palang wish ni Ai Ai na makagawa ng isang seryosong serye na hindi siya magpapatawa, kaya naging Christmas gift niya iyon at nag-promise siyang pagbubutihin ang trabaho niya kapag sinimulan na nila ito.
Kaya labis ang pasasalamat ni Ai Ai sa Diyos sa lahat ng mga biyayang natatanggap niya, sa kabila ng mga pinagdadaanan natin ngayon. Patuloy pa rin daw siya sa pagdarasal, na matapos na ang pandemya at makabalik na tayong lahat sa normal na pamumuhay, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
May schedule na ng lock-in taping si Ai Ai at buong cast ng serye, kaya malamang na mid-January, 2022, ay babalik na rin siya sa bansa.
(NORA V. CALDERON)
-
Presidentiable Ka Leody ligtas, 4 sugatan sa pamamaril ng ‘private armies’ ng mayor sa Bukidnon
APAT ang sugatan na mga Manobo-Pulangiyon tribe at mga kasamahan ng presidential candidate na si Ka Leody De Guzman sa pamamaril ng mga umano’y private armies ni Quezon, Bukidnon Mayor Pablo Lorenzo III dakong alas-11:30 kaninang umaga sa Barangay Botong, Quezon, Bukidnon, ito ang inihayag ni De Guzman sa panayam. Ayon kay De […]
-
Ads February 21, 2020
-
‘Oplan Biyaheng Ayos’ ikinakasa ng PITX, para sa Semana Santa
NAGHAHANDA na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng mahigit 1.2 milyong pasahero na inaasahang dadagsa ngayong Semana Santa. “The expectation of more than a million passengers stemmed from the observation that passengers will travel earlier to avoid the holy week exodus within the metro, with this, […]