DepEd: 93% na sa public schools, may gamit sa online learning
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
Aabot sa 93 percent ng mga pampubli kong paaralan na ang may mga gamit para sa online learning para sa school year 2020-2021, ayon sa Department of Education (DepEd).
“There are 1,042,575 devices in 43,948 public schools all over the country. These are computers, laptops, tablets that can be used by learners. Additionally, we’ll deliver 211,344 devices before the end of December 2020,” ani DepEd Information and Communications Technology Service Director Abram Abanil.
Maliban sa mga device, magbibigay din ang ahensya ng learning management system (LMS) kung saan maaaring bumuo ng online classes ang mga guro at magtakda ng mga activity at collaborative tasks na maaaring bantayan.
“For example, they can assign students to read an article or watch a video lecture, and through the learning management system, they’ll know if the students have completed or not the tasks assigned by the teachers. The teachers can also create online quizzes and formative assessment,” saad ni Abanil.
Dagdag pa ng opisyal, ang LMS ay puwedeng ma-access sapamamagitan ng browser oa mobile application at ito ay ginawang zero-rated ng mga telecommunications company para hindi na gumamit ng data ang mga mag-aaral.
Nabatid na sa Agosto 31 ay mamamahagi na ng official email accounts ang DepEd sa lahat ng mga high school students.
Habang ang mga official email account sa lahat ng mga mag-aaral sa elementarya ay ibibigay sa Setyembre 15.
“These email accounts will be used by the students in accessing the LMS to ensure the security of our learners,” paglalahad pa ni Abanil.
Sa kasalukuyan, nasa 385,471 na mga guro na ang sinanay ng DepEd sa ICT-based teaching sa pamamagitan ng onlin training mula Abril hanggang Hunyo.
“We are now in the process of developing an orientation for our learners and parents using the television so they can learn how to use the LMS,” dagdag pa ni Abanil. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Filipinas at men’s football team sasabak sa mga international game
NAGHAHANDA na ang men’s and women’s football team ng bansa para sa paglahok sa mga pangunahin kompetisyon. Sa darating na Oktubre 11 hanggang 14 ay lalahok ang men’ national team sa King’s Cup sa Thailand kung saan makakaharap nila ang host country, Tajikistan at Syria. Habang ang Filipinas ay sasabak […]
-
Navotas mega projects, binisita ng potential investors
NAKIPAGPULONG sina Mayor Toby Tiangco, Cong. John Rey Tiangco at mga kinatawan ng San Miguel Corporation sa mga potential investors. Binisita ng grupo ang mga site ng 343-hectare Tanza Airport Support Services at 73.3-hectare Navotas Coastal Development. Iprinisinta din Mayor Tiangco mga disenyo ng Palafox Associates para sa mga naturang mega […]
-
DOF nababahala sa epekto nang pagsuspinde sa premium hike ng PhilHealth
Nagbabala ang Department of Finance (DOF) sa magiging epekto sa PhilHealth nang suspensyon sa nakatakdang pagtaas nang premium rate ng kanilang mga contributors Sa pagdinig ng House Committee on Health kahapon, sinabi ni Deputy Treasurer Sharon P. Almanza ng Bureau of Treasury na ayon sa DOF na malaki ang epekto ng suspensyon sa […]