DepEd at DSWD, bumida sa pangatlong cabinet meeting ni PBBM
- Published on July 21, 2022
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa pangatlong cabinet meeting ang pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong araw.
Tinalakay ng Department of Education ang kanilang Priority Programs and Projects para sa Basic Education habang ipinrisinta naman ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang sariling Programs and Projects para sa Social Welfare.
Nagbigay naman ng maikling deklarasyon si DSWD Sec. Erwin Tulfo hinggil sa Pantawid Pamilyang Pilipino program kung saan may 1.3 milyong benepisaryo mula sa 4.4 ay hindi na nito kinokonsiderang “poor” o mahirap bilang kuwalipikado para sa 4Ps benefits.
“This frees up P15B for other qualified persons to replace them and now be included in the said program,” ayon kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.
Lumalabas sa records ng COA na nasa kabuuang P1.753 billion cash assistance o ayuda ang bigong maipamahagi ng DSWD field office sa NCR habang nasa P155.094 million cash aid naman sa field office Region 6.
Ang cash subsidy sa ilalim ng SAP – Emergency Subsidy Program (ESP) ay inilaan para sa Bayanihan to Heal as One Act or “Bayanihan 1″ kung kaya’t ang hindi naipamahaging halaga ay ibinalik sa Bureau of Treasury (BTr) nang magpaso ang batas noon pang 2020.
Ayon sa COA, ang halaga ng cash advances na ni-refund ng Special Disbursing Officers at Accountable Officers mula sa field office sa NCR ay mas mataas pa kumpara sa naibigay na cash aid sa SAP beneficiaries.
Sa report ng COA, nakasaad na ang refunds ay nag-ugat sa mahina raw na pagpaplano at monitoring sa parte ng mga nag-iimplementa ng naturang programa dahil nasa 15% hanggang 30% lamang ang payment turnout kumpara sa refunds mula sa kabuuang iginawad na cash advances.
Naobserbahan din na ang schedules ng payouts ay hindi natukoy bago balangkasin ang cash advances para sa SAP.
Maliban sa pagsasagawa ng deduplication process ng DSWD sa SAP beneficiaries, ang iba pang dahilan na nakita batay sa NCR field office sa kabiguang maipamahagi ang SAP aid ay ang isyu sa pakikipag-coordinate sa LGUs lalo na pagdating sa pagsisimula ng pagrolyo ng payout ng SAP beneficiaries dahil sa restriksyon bunsod ng COVID-19 pandemic.
Paliwanag pa ng FO NCR na mayroon ding sariling programa ang LGUs na urgent gaya ng SAP.
Samantala, nagpaliwanag din ang DSWD field office sa Western Visayas sa mababang distribution rate.
Ito ay dahil umano sa kawalan ng accurate na listahan ng mga benepisaryo bunsod ng kawalan ng kapasidad ng DSWD na mag-install ng karampatang monitoring at control mechanism sa pagbibigay ng SAP aid sa pamamagitan ng service provider.
Nagresulta ito sa incoherence ng undistributed grant na hindi naipamahagi ng mga program implementers.
Kung kaya’t malaking halaga ang hindi nagamit sa pondo ng gobyerno ang ni-refund na lamang matapos ang 2 hanggang 6 na buwan na nagamit pa sana bilang ayuda sa mga mahihirap sa gitna ng pandemiya.
Kaugnay nito, inirekomenda ng COA sa DSWD na atasan ng ahensiya ang kanilang regional directors at program implementers na planuhing maigi ang paggawad ng cash advances sa mga Special Disbursing Officers at Accountable Officers para ganap na matugunan ang mga pangangailangan sa naturang programa.
Samantala, nasa kabuuang P2.552 billion sa cash advances na ipinamahagi ng DSWD sa mga SDOs at AOs kaugnay ng pamamahagi sa SAP ang nananatiling unliquidated.
Inirekomenda ng COA sa DSWD na i-demand ang lahat ng SDOs at AOs na magsumite ng kaukulang liquidation documents at agarang i-refund ang lahat ng unexpected balance kaugnay ng SAP implementation. (Daris Jose)
-
PNP nag-inspeksiyon na sa National Museum
SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa loob at labas ng National Museum bilang bahagi ng pagbibigay ng seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Hunyo 30. Pinangunahan ni PNP Director for Operations MGen. Valeriano De Leon ang inspeksiyon alinsunod sa kautusan ni OIC-PNP PGen. […]
-
SUNSHINE, tahimik lang sa balitang lumipat na ng ABS-CBN; unang serye, makakasama sina PAULO at JANINE
TAHIMIK lang ang actress na si Sunshine Dizon kahit na naglalabasan na ang mga balitang lumipat na siya ng ABS-CBN mula sa pagiging isang Kapuso. Ang daming nagulat sa totoo lang bilang si Sunshine ang isa sa masasabing Kapuso all through-out her career. Wala rin statement na inilalabas pa ang kanyang […]
-
SID, na-experience nang nakipag-lovemaking sa loob ng kotse tulad ng ginawa nila ni CINDY sa movie
PALABAN talaga ang premyadong aktor na si Sid Lucero, hindi lang sa aktingan pati na rin sa hubaran. Sa trailer pa lang ng newest sexy-suspense thriller ng Vivamax na Reroute kung saan kasama niya sina Cindy Miranda, Nathalie Hart at ang Venice Film Festival Best Actor na si John Arcilla, pinakita na ang […]