DepEd Calabarzon, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas mula Jan. 17-29
- Published on January 15, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na ang mga opisyal ng regional offices (RO) at school division office (SDO) ng kanilang ahensiya ay maaaring magsuspinde ng klase ngayong panahong patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Sa memorandum ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang mga regional at division offices ay maaari ring magdesisyon kung gaano katagal ang ipapatupad na class suspension.
Gayunpaman, hindi aniya ito dapat na lalampas ng dalawang linggo.
Nagpaalala rin si San Antonio na dapat ding magsagawa ng kaukulang adjustments sa school calendar upang matiyak na ang bilang ng mga araw ng klase sa kasalukuyang school year ay sakop pa rin ng minimum na 220 days.
Ang mga pribadong paaralan naman ay maaaring magpatupad ng kahalintulad na direktiba kung mataas din ang COVID-19 risks sa kani-kanilang paaralan.
Nauna rito, nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamahalaan na magpatupad ng 2-linggong health break dahil mahigit 50% ng mga guro sa Metro Manila ay dumaranas ng flu-like symptoms.
Samantala, sa Facebook post ng DepEd Calabarzon inanunsiyo nito ang suspensyon ng klase sa lahat ng grade levels mula January 17 to 29, 2022.
DepEd Calabarzon said that the suspension is “in support to the provisions of DM-CI 2022-009 and OUCI-2020-307 and the region’s initiative for safe operations and well being of stakeholders as contained in the Basic Education Learning Continuity Plan.”
Meanwhile, it also said that the schedule of the midyear break from Jan. 31 to Feb 5, 2022 will still remain. (Daris Jose)
-
Ads August 24, 2023
-
Face shield mandatory pa rin indoor at outdoor – Palasyo
Kumambiyo kahapon ang Malacañang sa naunang pahayag at sinabing “mandatory” pa rin ang pagsusuot ng face shields sa indoor at outdoor. Sa pamamagitan ng Twitter, inihayag kagabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sinunod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ng mga health experts dahil sa Delta variant o ang mas nakakahawang variant […]
-
Ads August 15, 2023