• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEPED: FACE-TO-FACE CLASSES, ‘DI PA RIN POSIBLE KAHIT SA MGA LUGAR NA WALANG COVID-19 TRANSMISSION

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na wala pa ring mangyayaring face-to-face classes kahit sa mga lugar na walang naitatalang transmission ng coronavirus.

 

Tugon ito ng opisyal sa apela ni Vice President Leni Robredo na ikonsidera ang pagsasagawa ng in-person classes sa mga lugar na walang community transmission ng virus dahil sa mga hamon sa distance learning.

 

Pero paliwanag ni DepEd Sec. Leonor Briones, hindi pa rin ito posible sa sitwasyon ngayon dahil ito ay direktang utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

“Maliwanag kasi ang policy ng President, sinabi niya na walang face-to-face for as long as a vaccine is not found or by implication, an effective cure for coronavirus is developed and found, ‘yun ang condition,” wika ni Briones.

 

Sinabi ni Briones, hindi pa rin daw inirerekomenda sa ngayon ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa naturang mga lugar.

 

“Pinag-aaralan naman natin lahat ang kilos ng coronavirus na ito at dun sa places na may zero cases, bigla na lang nagkaroon ng spike — may mga lugar na kaunti lang ang identified na may virus pero biglang tumataas at meron din nag-flatten,” giit ng opisyal. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, target ang 10% ng sasakyan ng gobyerno na maging electric

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang 10% ng government service vehicles ay maging electric powered.     ‘Yes, targeting 10 percent of the fleet should be electric vehicles. Mayroon siyang pinasang inter-agency na led by the Department of Energy, and nandoon din iyong DBM (Department of Budget and Management) para maayos iyong procurement […]

  • Ads January 23, 2024

  • Back-rider tigbak sa trailer truck, driver sugatan

    ISANG 51-anyos na back-rider ang namatay habang sugatan naman ang nagmamaneho ng kanilang motorsiklo matapos mabangga ng isang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot si Ariel Macaraeg, machine operator, at residente ng 44 Prelaya St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang kapitbahay na […]