• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd: ‘Halaga ng mga nasirang learning materials dahil kay Ulysses, nasa halos P17-M’

Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umabot sa nasa P16.8-milyon ang halaga ng mga learning materials na nasira sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

 

Sa isang situation report, sinabi ng DepEd na halos 400,000 learning materials, na karamihan ay nanggaling sa Bicol region, ang nasira bunsod ng bagyo.

 

Maliban sa Bicol, nakatanggap din aniya ng report ang DepEd tungkol sa mga nasirang learning materials sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.

 

Sinira rin daw ng bagyo ang mahigit 23,000 computer sets sa ilang mga elementary at secondary schools sa buong bansa.

 

Habang nasa halos 1,800 namang mga paaralan ang napinsala kaya kailangan ng DepEd ng nasa P3.6-bilyon para sa pagsasaayos ng naturang mga istraktura.

 

Sa pagtataya ng kagawaran, nasa P38.9-bilyon ang kinakailangan para sa pagsasaayos ng mga pinsala.

 

Ngunit as of November 20, nakapaglaan pa lamang ang ahensya ng P5.7-milyon para sa “other non-infrastructure needs.”

 

Nag-donate na rin daw ng P1.4-milyon ang mga local DepEd offices para sa iba pang mga regional at division units na naapektuhan ng bagyo.

Other News
  • Contract packages ng Metro Manila subway nilagdaan

    SINAKSIHAN ni President Ferdinand E. Marcos ang paglagda sa contract packages para sa pagtatayo ng Metro subway na siyang magiging isang solusyon sa nararanasang traffic ng mga mamayan sa Metro Manila.       Sinabi President Marcos na ito na ang pagkakataon upang ang mga pamilya ay magkaron ng quality time dahil sa mababawasan na […]

  • Maayos naman ang kalagayan sa Amerika: TOM, palilipasin muna ang isyu sa kanila ni CARLA bago magbalik-showbiz

    MAAYOS ang kalagayan ni Tom Rodriguez sa Amerika, pero kailangan daw muna siyang manatili doon at palipasin ang issue sa kanila ng ex-wife niyang si Carla Abellana.     Noong makapanayam si Tom ng GMA News, naging special judge ito sa ‘Miss Philippines USA’ sa San Diego, California. Ang naturang event ang first public appearance […]

  • Bubble slugfest sa Mandaue sa Okt. 7

    IHAHATAG Cebu-based Omega Sports Promotions sa unang pagkakataon sa bansa ang groundbreaking bubble boxing card sa Miyerkoles, Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu.   “We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” namutawi […]