• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, ipatutupad ang alternatibong learning modes sa panahon ng tigil-pasada–VP Duterte

SINABI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, araw ng LInggo, Marso 5 na dapat na panatilihin ang alternatibong learning modes, kapuwa “in person” at online at ipatupad sa panahon ng nagbabadyang  transport strike ngayong linggo na makapipinsala  sa “learning recovery” agenda ng Department of Education’s (DepEd). 
Tinawagan naman ng pansin ni Duterte ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list group sa paghikayat sa regional at division offices ng DepEd na ikansela ang  physical classes sa mga lugar na maaapektuhan ng public transportation dahil sa jeepney modernization program ng gobyerno.
“Learning recovery is foremost on the agenda of the Department of Education today. It does not include the pointless weeklong transport strike supported by ACT,” ayon kay Duterte sa isang kalatas.
“I maintain that during this communist-inspired weeklong strike, both in-person and alternative delivery modes of learning shall be implemented, whichever is convenient to the learners,” dagdag na wika nito.
Binigyang diin din ni Duterte  na ang transport  strike ay isang  “painful interference” at sang “learning disruption” habang ang bansa ay gumagawa ng paraan  para lutaasin ang problema na palaging gumagambala sa  sektor ng edukasyon.
Idinagdag pa nito na “it would only exacerbate the learning hardships of our students.”
“ACT supporting this transport strike, and shamelessly harping twisted justifications for it, only betrays its true colors — that it is a group that does not really serve the interest of students and teachers,”  ang wika ni Duterte.
“But ACT couldn’t care less if our efforts are hampered or if we fail because — as a lover of the useless ideologies espoused by the New People’s Army (NPA), the Communist Party of the Philippines (CPP), and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) — ACT’s dream is for our children to remain uneducated and poor,” litaniya ni Duterte, isa ring DepEd head.
Sa halip, hinikayat nito ang party-list group na  “show its sincerity” sa mga estudyante, mga guro, at sa buong Philippine education system sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa local government units at iba pang ahensiya ng pamahalaan “to ensure the convenience of learners during the transport strike instead of supporting it.”
Samantala, magsisimula naman ang tigil-pasada bukas, Marso 6, araw ng Lunes dahilan para maglunsad naman ng “Libreng Sakay” ang   lahat ng police districts at National Capital Region Police Office (NCRPO)-Regional Mobile Force Battalion (RMFB) para maserbisyuhan ang mga commuters na maapektuhan.
Other News
  • Kung todo effort sa season 1 ng ‘Running Man PH’: ANGEL, nag-focus na mag-enjoy at maka-bonding ang mga runners

    TANONG namin kay Angel Guardian ay kung itinodo ba niya ang effort niya sa mga race sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ dahil siya ang Ultimate Runner sa season 1.“Actually this season po mas focused ako sa… na mag-enjoy ako. Kasi parang last season ang nasa isip ko is parang I play to win.   […]

  • Takot sa COVID-19: Panagbenga 2020, tuluyan nang kinansela

    TULUYAN nang kinansela ang Panagbenga flower festival sa siyudad ng Baguio sa gitna ng takot sa COVID-19, ayon sa anunsyo ni Mayor Benjamin Magalong kahapon (Lunes).   Ani Magalong, ito ang nagpadesisyunan ng Baguio City Interagency Task Force on COVID-19, kasunod ng rekomendasyon na ginawa ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. Suspendido na rin ang […]

  • Barrios guest of honor sa PBAPC Awards Night

    SI DATING PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios ang magiging guest of honor at keynote speaker sa 30th PBA Press Corps Annual Awards Night sa Setyembre 24 sa Novotel Manila.     Muling makakasama ni Barrios ang kanyang PBA family sa nasabing two-hour, formal gathering kung saan pararangalan ang mga top achievers ng Season 48.   […]