• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, nag-hire ng 3,200 learning support aides (LSAs)

NAG-HIRE o tumanggap ang Department of Education (DepEd) ng 3,200 learning support aides (LSAs) para tulungan ang mga estudyante na walang magulang o guardians na mangangasiwa sa kanilang pag-aaral sa kanilang tahanan.

 

Sinabi ni Education Undersecretary Jesus Mateo na nag-hire ang mga eskuwelahan ng LSAs na nakatira sa komunidad kung saan sila nagtuturo upang maiwasan ang pagkilos habang binabawasan ang panganib na mapakalat ang bagong coronavirus.

 

“Ang kinukuha po natin ay iyong mga taong nandito sa community para ma-prevent iyong pag-transmit ng COVID,” ang pahayag nito sa Laging Handa briefing.

 

Sa bilang na 3,200 LSAs na tinanggap sa 5 rehiyon, tinatayang 2,000 ang nakatanggap na ng kanilang sahod mula sa DepEd habang ang natitirang bilang ay binayaran ng local government units ng komunidad kung saan sila nagtuturo.

 

Ani Mateo, wala namang target figure ang DepEd pagdating sa LSAs na iha-hire nito lalo pa’t nakadepende ito sa pangangailangan ng mga paaralan.

 

“Depende po iyan doon sa magiging kailangan ng paaralan para matugunan iyong pangangailangan ng mga mag- aaral,” anito.

 

Sa kabilang dako, pinayagan ng DepEd ang pagtanggap ng LSAs dahil batid nito na hindi lahat ng households ay mayroong adult o matanda na may kakayahan na tulungan ang mga estudyante na nag-aaral sa bahay ngayong school year matapos na ipagbawal ang in- person classes.

 

Idinagdag pa ni Mateo, na nag- hire ang DepEd ng 1,421 teachers mula sa private schools na apektado ng pandemiya.

 

Mula sa nasabing pigura, 1,391 ang na-absorbed ng DepEd bilang regular teachers habang ang natitira naman ay binayaran ng LGUs. (Daris Jose)

Other News
  • Ex-NBA player Nick Young nasa Pilipinas na para maglaro kasama ang Strong Group Basketball

    Nasa Pilipinas ngayon si dating NBA player Nick “Swaggy P” Young.   Kabilang kasi ang dating Los Angeles Lakers player sa basketball team ng bansa na Strong Group na sasabak sa 32nd Dubai International Championship na magsisimula sa Enero 27.   Makakasama rin nito sa paglalaro si dating San Miguel Beermen import Shabazz Muhammad. Mainit […]

  • DepEd: Late enrollees tatanggapin

    SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na kaagad tatanggapin ang late enrollees.   “Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Jesus Mateo.   Ngunit ayon kay Mateo na maghihintay pa ang mga ito ng tagubilin sa guro upang isaayos ang kanilang gagamitin.   Ayon sa ahensya, […]

  • ‘James Bond’ Producer Says Next 007 Actor Decision Will Take Time

    BARBARA Broccoli, the producer of the James Bond series, admits that deciding on the next 007 actor is a significant decision and will take time.     Most recently, the secret agent has been portrayed by actor Daniel Craig since 2006, beginning with Casino Royale. Craig’s portrayal of the character won him critical acclaim from fans and critics alike, […]