• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd nilinaw na hindi pa epektibo ang bagong panuntunan kaugnay sa pagsuspinde ng klase

NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa epektibo ang panibagong panuntunan na inilabas kaugnay sa pagsuspinde ng klase sa oras ng kalamidad at sakuna.

 

 

Ginawa ng kagawaran ang paglilinaw matapos nilang isapubliko ang DepEd Order 37 na pirmado ni Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio.

 

 

Ayon pa sa DepEd, hindi pa naihahain sa Office of the National Administrative Register sa UP Law Center ang kautusan kung kaya ay hindi pa ito mai-aapply.

 

 

Kailangan din ng personal na pirma ang kautusan dahil tanging electronic signature ang mayroon ito nang ilabas sa DepEd website.

 

 

Matatandaang kahapon, ilang paaralan ang nagsuspinde ng klase sa Metro Manila bilang pagsunod sa bagong kautusang inilabas ng DepEd. (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 17, 2023

  • 700 EMPLEYADO NG BI NABIGYAN NA NG 2ND DOSE NA BAKUNA

    MAHIGIT  700 na rank and file employees ng Bureau of Immigration (BI)  ang nakatanggap na ng second dose  ng Sinovac COVID-19 vaccine  nitong nakaraang Linggo.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang 700 na BI works ay nabakunahan nitong Sabado at Linggo sa tanggapan ng BI sa Intramuros, Manila.     “Now […]

  • Ibinahagi ang nakaka-touch na video ng proposal: DOMINIC, nangakong magiging pahinga ni BEA sa mundong magulo at maingay

    NAG-PROPOSE nga si Dominic Roque sa girlfriend na si Bea Alonzo noong July 18 na naging talk of the town at nag-viral.     At sa kanyang Instagram post last Friday, July 21, isang araw after ng kanyang 33rd birthday, ibinahagi ni Dom ang heartwarming video ng kanyang proposal na may nakaka-touch na mensahe para […]