DepEd, pinag-aaralan na suriin ang revised K-10 curriculum rollout para sa SY 2024-2025
- Published on May 24, 2023
- by @peoplesbalita
LAYON ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang updated Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum para sa school year (SY) 2024-2025
Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na ang target rollout date ay consistent sa commitment ng DepEd na makakuha at makonsidera ang lahat ng public comments para ma-fine-tune ang K-10 curriculum bago pa ito ipatupad.
“Of course, ang gusto nating makuha talaga, ay lahat ng comments ng public, ma-consider natin para ma-tweak pa natin further ‘yung K-10 curriculum,” ayon kay Poa sabay sabing ang nakapaskil na curriculum guide ay draft lamang.
Tinukoy pa nito na “in reference to the guide,” ang “mother tongue” ay dapat na manatiling ginagamit bilang “medium of instruction.”
“It’s still a working draft, that’s why we want to get the comments. According to our curriculum guide, and we would like to clarify this, we did not remove the mother tongue as a medium of instruction. What we removed was mother tongue as a subject,” ani Poa.
Sa ngayon ang curriculum strand ng DepEd ay nananatiling nasa proseso na tipunin ang lahat ng mga komento para tulungan na isapinal ang revised curriculum.
Tiniyak pa ng DepEd, sa oras na maisapinal na, ang draft ng updated curriculum guide para sa Grades 11 at 12 o Senior High School (SHS) ay dapat na ipalabas din “for transparency.”
“Consultation muna po tayo again, and then after that, magkakaroon muna tayo ng review proper and then saka na ‘yung revision,”ayon kay Poa. (Daris Jose)
-
Target population para mabakunahan ng COVID-19 vaccine sa NCR, nasa 100% na – MMDA
Naabot na raw ng National Capital Region (NCR) ang 100 percent na target population para mabakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila raw ay mayroong elligible population na 9.8 million. Labis na ikinatuwa ni Abalos ang naging […]
-
Pinangunahan ni PBBM: KADIWA ng Pangulo, inilunsad na sa Cebu City
OPISYAL nang inilunsad sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang “KADIWA ng Pangulo” sa Cebu City na layuning maipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili. Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nitong naging popular ang Kadiwa ng Pasko at hinahanap aniya ito ng mga tao kaya’t minarapat nilang ipagpatuloy ang […]
-
Toktok rider, 1 pa nadamba sa buy bust sa Valenzuela
SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga kabilang ang isang Toktok deliver rider matapos matimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city. Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-5:45 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]