• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, planong ipapatupad ang K-10 curriculum sa 2024

TARGET ng DepEd na ilunsad ang bagong curriculum para sa Kinder hanggang Grade 10 (K to 10) sa school year 2024-2025.

 

 

Sinabi ng tagapagsalita ng DepEd na si Michael Poa na ang ahensya ay nagtitipon ng feedback ng publiko sa draft ng K to 10 curriculum.

 

 

Aniya, nais ng nasabing departamento na makuha ang komento ng publiko ukol sa nasabing usapin upang malaman nila at pag-aralan kung ano pa ang mga kinakailangan sa pagpapatupad nito.

 

 

Kaugnay niyan, ang pagsusuri ng curriculum ng Senior High School ay nasa yugto na ng konsultasyon.

 

 

Sinabi ni Poa na susundan ito ng review proper, revision, at paglalabas ng draft curriculum “for transparency.”

 

 

Isinasapinal na rin ng DepEd ang school calendar para sa susunod na SY 2023-2024.

Other News
  • Higanteng Christmas tree ng Bulacan, iilawan na

    LUNGSOD NG MALOLOS– Pangungunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo sa pag-iilaw ng higanteng Christmas tree sa pagsisimula ng “Paskong Bulacan at Pag-iilaw ng Krismas Tree” sa Lunes, Disyembre 6, 2021 sa ganap na ika-6:00 ng gabi sa Gen. Gregorio Del Pilar Park, Antonio S. Bautista, Provincial Capitol Compound sa lungsod na ito.     […]

  • Valenzuela ipinagdiwang ang ika-65th Anibersaryo ni Barbie at Jeepney Caravan

    Si Barbie ay nasa Valenzuela City! Para magbigay ng saya at inspirasyon sa mga bata, nakipagtulungan ang Lungsod ng Valenzuela sa Barbie Philippines upang ipagdiwang ang ika-65 Anibersaryo ni Barbie na may temang “Barbie Inspires”.     Kasabay nito ay ang anibersaryo ng jeepney caravan na nag-ikot naman sa mga lungsod sa Metro Manila saka […]

  • Kinabog ang mga celebrity pets: Fur baby ni TAYLOR SWIFT, nasa $97 million na ang net worth

    KABOG ang ibang pets ng celebrities sa pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson. Ito kasi ang ikatlong pinakamayamang hayop sa buong mundo ayon sa report ng All About Cats.   Umaabot sa $97 million, o mahigit PhP 5.4 billion, ang net worth ng fur baby ni Taylor dahil sa social media. Ayon pa […]