• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd: Subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2, pinoproseso pa

Siniguro ng Department of Education (DepEd) na ipamamahagi nila ang mga subsidiya sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2) sa mga mag-aaral sa oras na matapos na ang application process para sa ayuda.

 

 

Paliwanag ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla, nagkaroon ng delay sa application process dahil sa napakalawak na sakop ng mga potential beneficiaries.

 

 

“Medyo natagalan po sa DepEd ang pag-finalize at pag-umpisa ng ating application process for the subsidy kasi mas malaki po iyong aming coverage. Kasama ang public at private [school] learners from kinder to Grade 12,” wika ni Sevilla.

 

 

“Ongoing po iyong aming application process. Wala pa pong nadi-disburse. Gagawin po namin ito as soon as makuha namin ang mga application,” dagdag nito.

 

 

Ani Sevilla, makakakuha ng P5,000 ang mga benepisyaryo mula sa mga pribadong paaralan, habang may P3,000 naman ang mga recipient sa public schools.

 

 

Kamakailan nang hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang DepEd na bilisan ang distribusyon ng subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2.

 

 

Nasa P300-milyon ang inilaan para sa basic education subsidies ng naturang relief measure.

Other News
  • Pilipinas at China, walang tensyon sa WPS

    SA KABILA ng incursions at mga protesta, iginiit ng Malakanyang na walang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa usapin ng West Philippines Sea.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang tensyon ay nasa isip lang ng mga kritiko ng administrasyon partikular na ng oposisyon.   “Wala akong nakikitang tension. Ang tension […]

  • PULIS UTAS, 1 PA SUGATAN SA BARIL NG KANILANG KABARO

    ISANG 33-anyos na pulis ang namatay habang sugatan naman ang isa pa matapos aksidenteng pumutok ang baril ng kanilang kabaro na nagsasagawa ng dry-firing sa Malabon City, kahapon ng umaga.   Kinilala ni P/Capt. Patrick Alvarado ng District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB) ang nasawi na si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakalataga sa […]

  • THE MOON, STARRING SUL KYUNG-GU AND EXO’S DOH KYUNG-SOO, OPENS IN PH CINEMAS AUG 16

    Mark your calendars!    The Moon, a gripping, emotional, epic-action, and one of Korea’s highly anticipated films of the year, will open across the Philippines on AUGUST 16. Watch the teaser trailer now.       YouTube Trailer Link: https://youtu.be/n3XFeKvn3yk       The film is directed by Kim Yong-hwa, one of the most prominent genre directors […]