• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, suportado ang pagpapatuloy ng work immersion para sa mga SHS students

SUPORTADO ng Department of Education (DepEd) ang “reintroduction” ng physical work immersion sa gitna ng nagpapatuloy na progressive expansion ng face-to-face classes.

 

 

Ang pagsasagawa ng onsite work immersion para sa senior high school (SHS) students, na isang required subject para sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track, ay sinuspinde sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sinabi ng DepEd na ang hakbang na payagan ang pagpapatuloy ng physical work immersion ay naglalayong palakasin ang active school participation at pagpa-plano para sa iba’t ibang service delivery conditions.

 

 

“We are strongly suggesting that work immersion should be implemented for the senior high school learners as they are nearest to accomplishing their postsecondary goals and dreams,” ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

 

 

Sa isinagawang regional EduAksyon Press Conference kung saan hinost (host) ng DepEd MIMAROPA, binigyang diin ni Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio na ang ahensiya ay lumikha na ng guidelines o mga alituntunin hinggil sa work immersion bago pa ang COVID-19 pandemic.

 

 

“Puwede naman po kasi gawin ang immersion kahit hindi pa pinapayagan ang limited face-to-face classes noon, pero ngayong may face-to-face classes na, siyempre ibabalik natin face-to-face immersion,” paliwanag ni San Antonio.

 

 

“Maaaring magkaroon ng pagkakataon sa aktwal na karanasan sa industriya ang mga mag-aaral sa senior high school hinggil sa kanilang specializations na napili,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya pa, ang onsite work immersion ay dapat na alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (IATF).

 

 

Base sa kamakailan lamang na inaprubahang Revised Operational Guidelines on the Progressive Expansion of Face-to-Face Learning Modality (DepEd-DOH Joint Memorandum Circular No. 1, s. 2022), inatasan ng DepEd ang mga eskuwelahan na sumunod sa School Safety Assessment Tool (SSAT) na binago upang payagan ang mas maraming paaralan na muling magbukas.

 

 

Samantala, ibinahagi naman ni Assistant Secretary for National Academy of Sports and Field Operations Malcolm Garma na ang mga eskuwelahan na sumasailalim sa assessments ay dapat na iprayoridad na isama ang mga SHS students sa pagpapalawak ng in-person classes.

 

 

“Naniniwala tayo na ang Grades 11 and 12 ay kailangang bumalik sa kanilang klase, so ‘yong immersion natin ay kasama sa babalik sa ating face-to-face classes,” ayon kay Garma.

 

 

“Kung magkakaroon na sila ng immersion sa anomang industriya, isasailalim sila doon sa mga patakaran na pinaiiral ng IATF,” dagdag na pahayag nito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Terrence Romeo activated na para sa final push sa playoffs

    Ibinigay ng SAN Miguel ang panghuling pagtulak nito para sa playoffs sa 2022-23 PBA Commissioner’s Cup ng napapanahong pagpapalakas sa pamamagitan ng pag-angat kay Terrence Romeo sa aktibong roster.   Kwalipikado na ngayon si Romeo na maglaro para sa Beermen matapos mapabilang sa injured list dahil sa back injury na nagtulak sa kanya na hindi […]

  • Wagi ng Audience Choice Award sa Soho International Film Festival: KC, happy and proud sa kanyang first international film na ‘Asian Persuasion’

    HAPPY and proud si KC Concepcion dahil ang kanyang first international film na “Asian Persuasion” ay nagwagi ng Audience Choice Award sa Soho International Film Festival.   “Out of over 100 film entries at the Soho Film Fest, ‘Asian Persuasion’ won the AUDIENCE CHOICE AWARD for full-length feature! Ang saya,” ayon sa Instagram post ni […]

  • Ardina, Guce bulilyaso sa 16th Symetra Tour 1st leg

    SUMABLAY sa cut sina Dottie Ardina at Clariss Guce ng ‘Pinas sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 first leg – $200K inaugural Carlisle Arizona Women’s Golf Classic sa Longbow Golf Club sa Mesa, Arizona.     Pumalo ng two-round 146 sa mga round na 74-72 ang US-based na si Guce upang humilera lang sa […]