• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, target na ayusin ang performance ng 8 milyong estudyante para sa 2025 PISA

SINABI ni Education Secretary Sonny Angara na dapat na tutukan ng Department of Education (DepEd) ang performance ng 8 milyong mag-aaral at stakeholders nito sa paghahanda para sa Programme for International Student Assessment (PISA) para sa susunod na taon.
Sinabi ng Kalihim na ang kanyang “immediate goal” sa pag-upo sa DepEd ay iangat ang performance ng bansa sa susunod na PISA, nakatakdang isagawa sa March 2025.
“Tulungan niyo po ako sana do’n dahil ‘yung Grades 7, 8, 9, 10, mga 8 million lang naman ‘yan eh na kailangan natin tulungan. ‘Yung iba diyan walang computer, ‘yung iba diyan hindi nag-almusal, ‘yung iba diyan pagod na pagod maglakad, naka-tsinelas lang,” ang sinabi ni Angara sa education stakeholders.
“You know, these are the things that we have to deal with on the ground. But with you, again, there is hope amidst misery. There is so much hope, there is so much action, and pretty soon there will be results,” aniya pa rin.
Nauna rito, pinangunahan ni Angara ang paglulunsad ng Brigada Pagbasa Partners Network (BPPN), naglalayong i-mobilize ang mahigit sa milyong literacy advocates sa 2040, at tulungan ang 10 milyong Filipinong mag-aaral na magbasa sa kanilang angkop na antas.
Sa 2022 PISA results, ang Pilipinas ay nasa rank na pang-anim sa pinakamababa sa hanay ng 81 bansa at ekonomiya na nagpartisipa sa pag-aaral, patuloy kasing napag-iiwanan ang mga Filipinong mag-aaral sa pagbabasa, matematika at agham.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Angara na inirekumenda niya ang pagpapahusay sa performance ng mga estudyante ng Filipino sa PISA, alinsunod ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang iskor ng Pilipinas sa local at international tests. (Daris Jose)
Other News
  • Arrest order ng China simula na ngayon

    TINIYAK ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang  tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea.       Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy […]

  • Posibleng nakabalik na ngayon ng Pilipinas: KRIS, tuloy ang laban sa sakit at bawal sumuko

    ANYTIME today or tomorrow ay nakabalik na ng bansa si Kris Aquino.  Inihayag nga ni Kris na babalik na siya ng Pilipinas, at nagbigay rin ng update sa kanyang health condition.   Makikita sa kanyang Instagram post ang flag ng Amerika, isang emoji ng eroplano, at watawat ng Pilipinas.   May mahabang caption ito ng… […]

  • AFP PUSPUSAN ANG GINAGAWANG DISASTER RELIEF OPS AT DAMAGE ASSESSMENT

    PUSPUSAN ngayon ang isinasagawang search, rescue and retrieval and clearing operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly.   Ongoing na rin ngayon ang isinasagawang relief distribution ng militar kasama ang DSWD.   Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nakatutok ang lahat mga […]