DepEd, target na taasan ang enrollment ng mga mag-aaral na may kapansanan
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng Department of Education (DepEd) na taasan ang bilang ng enrollment sa hanay ng mga mag-aaral na may kapansanan.
Ito ang inihayag ng DepEd sa isang online webinar kasama ang National Council of Disability Affairs, araw ng Lunes.
Ito’y alinsunod na rin sa pagdiriwang ng 18th Women with Disability Day, kung saan nakiisa ang DepEd sa Department of Labor and Employment, Department of the Interior and Local Government, at iba pang stakeholders sa pagsusulong ng “3E’s to Empowerment” para sa mga kababaihan na may ‘special needs,’ partikular na para sa kanilang pantay na partisipasyon sa edukasyon, trabaho at eleksyon.
Sinabi ni Annalyn Aquino, DepEd Senior Education Program Specialist of Student Inclusion Division-Bureau of Learning delivery, ang pagpapataas sa enrollees para sa mga mag-aaral na may kapansanan ay isa sa ‘key objectives’ ng departamento. Bumaba kasi ang bilang ng mga mag-aaral na may kapansanan sa panahon ng pandemiya.
Makikita sa pinakahuling data na mula 152,420 kababaihang mag-aaral na nag-enroll para sa school year 2019-2020, bumaba ito sa 38,914 enrollees para sa school year 2021-2022.
“Ang nakikita nating rason is that learners with disabilities are not being properly tagged in the Learner’s Information System (LIS), especially our learners with disabilities who are in mainstreamed classes,” ayon kay Aquino.
Aniya, nauwi pa ito sa serye ng orientation para sa “receiving teachers, school heads, and supervisors”, para tugunan ang usapin ng ‘proper tagging’ sa mga mag-aaral.
Maliban sa pagpapataas sa enrollment ng mga mag-aaral, pinaigting naman ng DepEd ang pagsisikap nito na taasan ang bilang ng mga eskuwelahan na may programa para sa mga mag-aaral na may kapansanan.
Sa ngayon, may 13,408 eskuwelahan sa bansa ang mayroong Special Education Program (SPED).
“Gusto nating palawakin ‘yung kapasidad ng ating SPED centers by converting it into an inclusive learning resource centers,” ang pahayag ni Aquino.
Sa kabilang dako, layon din ng DepEd na pataasin ang ‘items’ para sa mga SPED teachers, at maging ang pagtatatag ng data indicators kabilang na ang completion rate, survival rate, at school leaver rate.
Kinilala naman ni Aquino ang mahalagang gampanin ng pagsasabatas ng RA 11650 o “Act ensuring inclusive education for learners with disabilities would bring, saying it could relevantly intensify and help speed up the DepEd’s efforts and targets for learners with special needs.” (Daris Jose)
-
CARLO at TRINA, galit na galit na binuweltahan ang walang pusong basher na nagbanta kay Baby Enola
UMUUSOK nga sa galit sina Carlo Aquino at Trina Candaza matapos na makatanggap ng death threat ang kanilang anak na si Enola Mithi. Ipinost ng Kapamilya actor sa kanyang IG Story ang screenshots ng mga comment mula sa isang basher na nagbanta sa buhay ng seven-month old na si Baby Enola. […]
-
Leon’ lumakas pa: North Luzon, Quezon, Bicol tinumbok
LUMABAS ang bagyong Leon habang nasa may katubigan ng silangan ng Cagayan. Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng Leon ay namataan ng PAGASA sa layong 505 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong 515 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa […]
-
Outreach program ng SPEEd, umabot na sa Nueva Ecija at Aurora
MARAMI na namang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) matapos ang isinagawa na taunang outreach program. Nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, Abril 4 at 5, para maghatid ng tulong sa ilang residente roon. Dumalaw […]