• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, umaasa: bilang ng mga enrollees tataas pa hanggang sa buwan ng Nobyembre

UMAASA pa rin ang Department of Education na tataas pa ang bilang ng mga estudyante na magbabalik -eskwela ngayong taon.

 

Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, batay sa inilabas nilang polisiya, maaari pa ring tumanggap ang mga paaralan ang mga late enrollees hanggang sa buwan ng nobyembre.

 

Ngayon aniyang unti-unti nang binubuksan ang ekonomiya at marami na sa mga magulang ang nagbabalik sa kanilang hanapbuhay.

 

Tiwala rin ang Kalihim na marami pang mga kabataan ang makakabalik na sa kanilang pag-aaral.

 

Kumbinsido si Sec. Briones na kakayanin pang habulin ng mga late enrollees ang 80% ng Kanilang curricular requirements hanggang sa susunod na buwan.

 

Nauna rito, sinabi ng DepEd na bumaba ng tatlong milyon ang enrollment ngayong taon lalo na sa mga pribadong paaralan kung saan ayon sa deped ay resulta ito ng ipinatupad na ilang buwan na pagsasara ng ekonomiya dahil sa banta ng Covid-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ‘Expanded’ travel ban vs 20 bansang may bagong COVID variant, ipatutupad ng PH – Duque

    Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi na papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na manggagaling sa 20 bansang nakapagtala na ng bagong variant ng COVID-19.   Ayon kay Duque, epektibo ang expanded travel ban simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 30 at tatagal hanggang Enero 15, 2021.   Ang mga bansang […]

  • Malaking alokasyon sa DA sa 2023 budget

    IKINAGALAK  ni House Committee on Agriculture Chairman at Quezon Rep. Mark Enverga ang panukalang 40% increase ng executive branch sa budgetary allocation ng Department of Agriculture (DA) sa 2023 National Expenditure Program (NEP).     “Masayang masaya kami coming from an agricultural sector magandang balita po para sa ating mga magsasaka yung 39% ang itinaas […]

  • PAOLO, nagpapasalamat sa GMA na napiling ex-bf ni HEART at muling nakaganap ng mabait na role sa serye

    IPINALABAS ng GMA Network ang “Love Together, Hope Together,” ang theme ng kanilang 2021 Christmas Station ID.      Napansin agad ng mga netizens na hindi na umabot at hindi na nakasama ang new Kapuso actor na si John Lloyd Cruz, pero nakasama na sina Bea Alonzo, Richard Yap, Pokwang, Beauty Gonzalez, ng halos lahat […]