DepEd, umaasa: bilang ng mga enrollees tataas pa hanggang sa buwan ng Nobyembre
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
UMAASA pa rin ang Department of Education na tataas pa ang bilang ng mga estudyante na magbabalik -eskwela ngayong taon.
Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, batay sa inilabas nilang polisiya, maaari pa ring tumanggap ang mga paaralan ang mga late enrollees hanggang sa buwan ng nobyembre.
Ngayon aniyang unti-unti nang binubuksan ang ekonomiya at marami na sa mga magulang ang nagbabalik sa kanilang hanapbuhay.
Tiwala rin ang Kalihim na marami pang mga kabataan ang makakabalik na sa kanilang pag-aaral.
Kumbinsido si Sec. Briones na kakayanin pang habulin ng mga late enrollees ang 80% ng Kanilang curricular requirements hanggang sa susunod na buwan.
Nauna rito, sinabi ng DepEd na bumaba ng tatlong milyon ang enrollment ngayong taon lalo na sa mga pribadong paaralan kung saan ayon sa deped ay resulta ito ng ipinatupad na ilang buwan na pagsasara ng ekonomiya dahil sa banta ng Covid-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
10th LBC Ronda: Pangarap ni Tugawin sa Team Tarlac
PANGARAP ni Ryan Tugawin ng Tarlac Central Luzon na makilala sa larangan ng cycling kaya nais niyang makatulong sa Team Tarlac, bukod pa sa manalo ng stage upang mapansin at maipakita na may husay ito sa piniling sport. Naisakatuparan ng 30-anyos na siklista ang misyon 10th LBC Ronda Pilipinas 2020 nang makipagsabayan sa mga […]
-
PNP chief dinepensa ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kahit day-off
Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina. Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang […]
-
Digital martial law sa pagpapasara ng SEC sa Rappler
KINONDENA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang ginawang pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Rappler. “We are now in digital martial law as the government continues to target the press, censor and control the information available to the public with the shut down of ABS-CBN, the […]