“Depektibong” National ID system rollout, pinasisiyasat
- Published on October 13, 2022
- by @peoplesbalita
PINASISIYASAT ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa Kamara ang mabagal at ‘ depektibong’ rollout ng National ID system sa bansa.
Sa House Resolution 471, dapat magpaliwanag ang mga ahensiya ng gobyerno na siyang nangangasiwa sa naturang prokyeto kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Economic and Development Authority (NEDA), at Philippine Statistics Authority (PSA).
Isinuwestiyon din ng mambabatas ang pagpalit sa kasalukuyang liderato ng PSA dahil umano sa “inefficiencies” nito sa pagpapatupad ng Philippine Identification System (PhilSys), na dapat sana ay magpapabuti sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
“An accountability mechanism must be established to allow a closer look into what went wrong, or what may still be improved, in the implementation of the National ID system,” ani Herrera.
Ang PhilSys project na nabuo sa pamamagitan ng Republic Act 11055.
Nang tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa noong 2020, ipinag-utos noon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte ang agarang implementasyon ng PhilSys project para mabilis na matukoy ang mahihirap na pamilya na kabilang sa government cash aid kapag may lockdowns.
Naatasan ang BSP na magpaggawa at magpadala ng 116 million pre-personalized IDs mula 2021 hanggang 2023.
Subalit, nabatid sa Commission on Audit (COA) na hanggang December 31, 2021, nasa 27,356,750 pre-personalized cards o 76% ng 36 million required number ng IDs ang napamigay ng BSP.
Bago nito, sinabi ng COA na nagawa lamang ng BSP na mamahagi ng 8,764,556 personalized cards, o 17.53% ng 50M kinakailangang bilang ng IDs para sa taong 2020 at 2021.
Sinabi ni Herrera na bukod sa pagkaka-delay na maabot ang quota para sa bilang ng ID cards ay may mga reklamo di sa inaccuracy ng personal information at malabong imahe o litrato sa cards, at hindi na ring mabasa pagkatapos ng tatlong buwan.
May mga ulat din ng hacking, na pinangangambahan sa pagkalat ng personal data o sensitibong personal information ng mamamayan.
Batay pa sa government records, sinabi ni Herrera na nasa 21M Pinoy ang nakatanggap ng kanilang physical national ID cards mula sa mahigit na 70M na nakapagparehistro.
Napansin din ng COA na sa total na P28.4 billion alokasyon para sa PhilSys project, tanging P6.8B ang nailaan simula 2018. (Ara Romero)
-
PDU30, kinuwestiyon ang mga senador kung bakit ang contractor na sangkot sa di umano’y overpriced Makati building ang magtatayo ng bagong Senate infra
KINUWESTIYON ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador kung bakit ang construction firm na sangkot sa di umano’y overpriced Makati City building at Iloilo Convention Center ang magtatayo ng bagong P8.9-billion Senate building sa Taguig City. “May I ask the senators if it is true that the Hilmarc’s is the contractor of the […]
-
Ads November 4, 2021
-
PBBM, nagbabala ng panganib sa poultry, livestock; hinikayat ang publiko na maging bigilante
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling may panganib sa poultry at livestock sa kabila ng development sa bakuna laban sa animal viral diseases. Ayon sa Pangulo, kailangang tingnan ng gobyerno ang usaping ito. Sa pagsasalita ng Pangulo sa pagbubukas ng Livestock Philippines 2023, araw ng Miyerkules, Hulyo 5, binigyang […]