• March 19, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deployment ng mga pulis dodoblehin ngayong holiday season – PNP chief

DODOBLEHIN ng Philippine National Police (PNP) ang deployment ng mga pulis ngayong holiday season.

 

Ito’y bilang paghahanda sa posibilidad na magkaroon ng pagtaas ng kaso ng kriminalidad ngayong holiday season.

 

Kaya dodoblehin ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang mga pulis na magbibigay seguridad ngayong darating na pasko at bagong taon.

 

Sa panayam kay Gen. Cascolan kaniyang sinabi na magkaroon ng kaukulang deployment ng mga pulis sa mga lugar na kailangan ang kanilang presensiya.

 

Tututukan ng PNP ang mga lugar na mataas ang kaso ng kriminalidad.

 

Mahigpit din nilang mino monitor ang galaw ng mga teroristang grupo na posibleng maghasik ng karahasan. Sa ngayon wala namang namomonitor na banta ang mga otoridad.

 

Giit ni Cascolan hindi maging basta basta na lamang ang kanilang deployment at dapat batid din ng mga pulis ang kanilang ginagawa.

 

Bukod sa dobleng deployment ng mga pulis ngayong kapaskuhan, sinisiguro din ni Cascolan na lahat ng kanilang resources ay magiging available sa sandaling kakailanganin ito.

 

Tiniyak din ni PNP Chief, ang police visibility sa mga komunidad. (Ara Romero)

Other News
  • Chinese vessels sa West PH Sea lalo pang dumami, umaabot na sa 240 barko – Task Force

    Mas lalo pa umanong dumami ang mga barko ng Chinese na nakapaligid sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.     Batay sa latest maritime at sovereignty patrols na isinagawa noong April 11, 2021 nasa 240 Chinese vessels ang nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea sa karagatang sakop ng bansa.     […]

  • P6.37M in TUPAD wages benefit over 1,000 workers in Ormoc City

    Ormoc City – A total of P6.37 million in wages have been recently paid to some 1,419 informal sector workers in Ormoc City as the Department of Labor and Employment continues to intensify implementation of its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.     The wage payout was led by Labor Secretary Silvestre […]

  • Alex Eala hindi nakaporma sa US tennis player na nakaharap sa Miami Open

    NATAPOS  na ang kampanya ni Pinay tennis player Alex Eala sa Miami Open.     Sa unang round pa lamang kasi ay hindi na ito nakaporma laban kay Madison Brengle sa score na 6-2, 6-1.     HIndi nakaporma ang Filipina tennis prodigy na ranked 565 laban sa World No. 59 ng US.     […]