Desidido nang kasuhan para makamit ang hustisya: GERALD, gumaan ang loob nang pinangalanan ang nang-abuso sa kanya
- Published on August 28, 2024
- by @peoplesbalita
BUMALIK ang singer-actor na si Gerald Santos sa Senado kahapon, July 27, para sa pagpapatuloy ng hearing tungkol sa “Policies of Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment”.
Pinangungunahan ito nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada.
Muli ngang ikinuwento ni Gerald ang ginawa sa kanya ng musical director na part ng singing competition ng GMA 7 na sinalihan niya.
Desidido na raw si Gerald na kasuhan ang taong nang-abuso sa kanya noong 15 years old pa lang siya. Pinag-aaralan pa raw ng kanilang legal counsel kung rape, child abuse at sexual harassment ang isasampang kaso.
Pero sa kabila ng nangyari sa kanya, tumatanaw pa rin siya ng utang na loob sa GMA 7 na nagbigay sa kanya ng break para makilala at magkapangalan sa industriya. “Up until now, proud po ako na ako po ay minsang naging Kapuso,” sabi ni Gerald.
“Isa pong kaluwagan sa akin ngayon na malaman officially na mayroong ginawa ang GMA laban sa taong aking inakusahan 19 years ago.”
Dagdag pa niya, “Kung sana lamang po ay napagbigyan ang aming formal na kahilingan noong February 28, 2011 na kami ay maabisuhan man lamang po sa naging resulta ng imbestigasyon ng GMA ay maaaring noon pa po ay nagkalakas sa loob na kami at nakapag-file ng kaso sa tamang hukuman.
“Ganu’n pa man ay maraming ay salamat po sa GMA sa action po na kanilang ginawa sa complaint na idinulog ko, ang tanggalin sa network ng taong aking inakusahan.
“Yung resulta pa rin po ng imbestigasyon na yun, 19 years ago ang aming hihilingin na magkaroon kami ng kopya para magamit namin sa pag-build up ng case.”
Dagdag mensahe pa niya sa GMA Network, “humihingi din ako ng paumanhin sa aking former mother network, kung nag-cause po ito ng negatibong reaksyon sa mga tao. Hindi ko po hangad na sirain at dungisan ng magandang imahe at reputasyon ng GMA. Hindi ko po ito laban against GMA kundi sa mga taong gumagawa ng kahalayan at kasamaan.”
At sa huling bahagi ng kanyang pahayag ay diretsahan na niyang pinangalanan ang taong nagbigay sa kanya ng matinding trauma, na dala-dala niya ng maraming taon.
“Ngayon po ay handa ko nang harapin ang tunay kong kalaban. Ang nanghalay at umabuso sa akin noong ako ay 15 years old pa lamang – Si Mr. Danny Tan. Maraming-maraming salamat po.”
Bukas ang People’s Balita sa magiging pahayag ni Danny Tan sa isyung ito.
Samantala, pagkalipas ng pagdinig sa kanyang kaso są senado, nag-post din si Gerald ng kanyang saloobin…
“Attended the Senate Hearing for the 2nd time.. Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng message of encouragement at support nyo sa akin. Naa-appreciate ko po ang lahat ng messages nyo sadyang hindi ko lang masagot sa dami.
“Ang luwag sa dibdib ko ngayon na aking pinangalanan na ang umabuso sa akin kanina sa Senado.. Unti unti ay nakakamit ko na ang hustisya at dadalin na namin ito sa hukuman.
“Ang akin pong paglabas tungkol dito should not be a lost cause.. Ito sana ay magsilbing inspirasyon sa lahat ng mga biktima ng Sexual Abuse na hindi ninyo kailangang matakot dahil now more than ever ay naaalis na ang stigma at pangmamata sa mga biktima ng ganitong karahasan.
“At sa mga taong gumagawa ng hindi tama at inaabuso ang kanilang posisyon, bilang na ang mga araw ninyo. This is a stern warning sa inyo na walang lihim ang hindi mabubunyag!
#advocacy #fight #justice #pray #legal #geraldsantos #sandromuhlach #metoomovement #philippines
(ROHN ROMULO)
-
Fajardo isasabong na sa Abril ni Austria sa SMB
HINDI na pala dapat mag-aalala ang mga tagasunod ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng San Miguel Beer. Inalis na kamakalawa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang pangamba ng mga fan hinggil sa pagbabalik na ni June Mar Fajardo sa 46th PBA 2021 Philippine Cup na magbubukas sa Abril matapos ang 36th PBA Draft […]
-
Nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal: KRIS, nag-post ng Christmas message at nag-update sa health niya
KINATUWA tiyak ng mga nagmamahal kay Kris Aquino ang muling pagbabalik ni Kris sa social media. Tiyempo pa namang Pasko nang mag-post muli si Kris sa kanyang IG account, isang buwan mula noong huli siyang naging aktibo sa kanyang IG account. Update na may kinalaman sa post niya a month ago […]
-
Tim Cone inaming nahihirapang makahanap ng final 12
INAMIN ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na mahihirapan itong pumili ng final 12 na sasabak para sa second window ng FIBA Asia Cup.Streaming service Sinabi nito na sakaling magkakaroon ng problema dahil sa injury si Justin Brownlee ay ipapalit agad nila si Ange Kouame. Ang 6-foot-11 kasi na dating Ateneo […]