• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desisyon ng Comelec, hihilingin na isaalang-alang

HIHILINGIN  ng Commission on Elections (Comelec) sa Korte Suprema na isaalang-alang ang desisyon nito na ang poll body ay nakagawa ng grave abuse of discretion nang i-disqualify nito ang service provider ng Smartmatic bago ito makapagsumite ng anumang bid para sa 2025 elections .

 

 

Katunayan ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sila ay maghahain ng motion for reconsideration.

 

 

Sa kabila ng nasabing hakbang, sinabi ni Garcia na tinatanggap nila ang desisyon dahil nilinaw ng Korte Suprema na hindi nito mapapawalang-bisa ang kontrata ng Comelec para sa vote-counting machines para sa halalan sa South Korean Firm na Miru Systems.

 

 

“Lumalabas kung ano yung nangyari, valid na po lahat yan. Yung award namin wala na pong problema. Wala na pong effect, therefore, sa ating halalan sa 2025,”

 

 

Ayon kay Garcia, ang sinasabi lang ng Korte Suprema na kung sakali sa mga susunod na procurement sa mga darating na panahon ay dapat kasali na sila.

 

 

Binigyan-diin din ni Garcia ang integridad ng poll body ay hindi naapektuhan sa desisyon, at idinagdag na ito ay malugod na tinanggap dahil nilinaw nito ang lawak ng Comelec’s authority.

 

 

Ang Smartmatic ay diniskwalipika ng Comelec noong Nobyembre 2023 mula sa lahat ng procurement ng poll body dahil sa alegasyon ng bribery laban kay dating Comelec chairman Juan Andres “Andy” Bautista kapalit para sa awarding ng kontrata para sa election machines sa Smartmatic Corp.

 

 

Sinabi naman ng Smartmatic na ang diskwalipikasyon ay unfair dahil ito ay batay sa mga ulat lamang ng balita at hindi opisyal , nag-leak na mga dokumento mula sa ibang bansa ay talagang hindi katanggap-tanggap sa anumang hurisdiksyon kabilang ang PIlipinas.

 

 

Ang kumpanya ay naghain naman ng petition for certiorari na may aplikasyon para sa pagpapalabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction (WPI) sa SC.

 

 

Samantala, sinabi ng kinatawan ng Smartmatic na si Atty.Christian Lim na nauna nang tinanggap ang desisyon  at sinabing ibinabalik nito ang hustisya at nagpapakita ng malinaw na mensahe sa mga namumuno sa Comelec. GENE ADSUARA

Other News
  • Ads October 7, 2022

  • TATLONG DAYUHANG PUGANTE, INARESTO NG BI

    INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhang pugante na wanted sa kanilang mga bansa.     Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente na ang tatlong dayuhan, isang Amerikano, Taiwanese at isang South Korean ay inaresto sa magkakahiwalay na opeasyon ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila at Pangasinan. […]

  • Paglobo ng HIV sa tinedyer, ikinabahala ni Bong Go

    NABABAHALA si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa ulat na pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, partikular sa mga kabataan.     Matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Davao City, binigyang-diin ni Go na kailangan na ng komprehensibo at multi-disciplinary approach upang matugunan ang […]