• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desisyon ng IATF, binawi ni PDu30

BINAWI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang mga kabataang may edad na 10 hanggang 14 na nasa lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) na lumabas-labas ng bahay simula sa Pebrero 1.

 

“Yung restrictions na lifting the age for 10 to 14 age group sa MGCQ areas na palabasin na ‘yung mga 10 to 14, I am compelled. It has nothing to do with their incompetence, not at all. Ang akin is a precaution because there is or there was or is a [variant] discovered in the Cordillera that is very similar to the [variant] dito sa United Kingdom,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

 

“Balik ho kayo sa bahay muna. Besides 10 years old to 14…10, 11, 12 pwede na sila sa TV. They can glue their attention sa TV the whole day. Pasensya na po kayo. Mine is just a precaution. Takot lang ako kasi ‘yung bagong [variant] strikes the children,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “… just to be sure and in our desire to protect our people napilitan akong ireimpose ang 10 to 14, not at this time. it’s a sacrificee for the parents and the children, it would limit their movements…”

 

Nauna nang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pwede nang lumabas ng kanilang mga tahanan ang mga batang eadad 10 hanggang 14 taong gulang.

 

“The Inter-Agency Task Force (IATF) approved the recommendation to relax age-based restrictions for areas placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) beginning February 1, 2021,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Any person below ten (10) years old and those who are over sixty-five (65) years of age shall be required to remain in their residence at all times.” dagdag na pahayag nito.

 

Hinihihikayat na rin aniya ng IATF ang mga local government units ng mga nasa General Community Quarantine na i-relax ang ipinatutupad na age-restrictions sa paglabas-labas ng bahay.

 

Ito’y kahit marami sa mga COVID-19 vaccines ang hindi pwedeng iturok basta-basta sa menor de edad. Rekomendado ang Pfizer vaccine sa 16-anyos pataas habang ang Moderna ay para sa 18-anyos pataas.

 

Una nang gustong mapaluwag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga nasabing restriction, lalo na’t 50% aniya ng economic activities ay nagmumula sa mga aktibidad ng pamilya. Kapag nasa loob ang mga bata, nasa loob din ang mga magulang para mag-alaga.

 

Sa ngayon, tanging mga 15-65 lang ang pinapayagang lumabas ng mga bahay. Pinapayagan lang ang paglabas ng mga naturang tao kung kukuha ng mga mahahalagang pang-araw-araw na pangangailangan.

 

Dahil sa banta ng COVID-19 sa kalusugan ng kabataan, ipinagbabawal pa rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa bansa sa ngayon. (Daris Jose)

Other News
  • Pwedeng sabihin sa mga ex-bfs na, ‘ eto pala ang sinayang mo’: HEAVEN, pasabog ang pa-2-piece bikini sa kanyang mga beach photos

    NAG-TRENDING si Enrique Gil o ang pangalan niya sa Twitter dahil sa lumabas niyang picture kasama ang mga ABS-CBN executives, gayundin ang kanyang ina.     Na-excite at obviously, nabuhayan ng loob ang mga tagahanga ni Enrique sa pahiwatig na magiging comeback niya.     Simula ng pandemic, hiatus o tila namahinga rin si Enrique. […]

  • LTO enforcer na sinagasaan ng SUV, binigyan ng pagkilala

    PINAPURIHAN ng Land of Transportation Office (LTO) ang Field Enforcement Division, Law Enforcement Service na si Butch S. Sebastian dahil sa tapat niyang paglilingkod sa kanyang tungkulin bilang isang Law Enforcer Officer.     Personal na iniabot ni LTO Assistant Secretary Atty Teofilo Guadiz III kay Sebastian ang Certificate of Commendation na ginanap sa LTO […]

  • Sinovac, inaasahang darating sa Pebrero 28- Malakanyang

    INANUNSYO ngayon ng Malakanyang na inaasahan nilang darating na sa bansa sa araw ng Linggo, Pebrero 28 ang 600,000 doses na COVID-19 vaccines na dinonate ng China’s Sinovac Biotech.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kapag nangyari ito ay kaagad na ikakasa ang pag-rollout ng nasabing bakuna, kinabukasan, Marso 1.   “Inaasahan na darating […]