• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desisyon ng IATF sa magiging quarantine status ng NCR plus bubble, ibabase sa science at hard data” – Sec. Roque

DEDESISYUNAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) base sa “science at hard data” ang magiging quarantine status ng NCR plus bubble.

 

Kasalukuyan kasing nasa ilalim ang NCR plus bubble sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na nagsimula noong Abril 12 hanggang Abril 30.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga miyembro ng IATF, sa susunod na pulong ng mga ito ay titingnan ang analytics ng healthcare system ng National Capital Region Plus at ng bansa.

 

“Specifically, it will review the attack rate and the hospital care utilization rate while checking the economic health of the nation,” ani Sec. Roque.

 

“Our approach is whole-of-government and our overarching goal is to promote the total health of Filipinos, including people who have been marginalized due to loss of jobs and have experienced poverty as a result because of the imposition of strict lockdowns,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, dedesisyunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Martes, April 27 ang magiging quarantine status ng NCR plus Bubble para sa buwan ng Mayo.

 

 

Ito ay kinumpirma ni DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public press briefing.

 

Ayon kay Usec. Vergeire, nagpulong na aniya ang mga eksperto at inilatag ang posibleng mangyari sa mga susunod na linggo.

 

Dagdag pa niya, nasa desisyon na ng IATF kung susundin ang rekomendasyon ng UP-OCTA Research Team na panatilihin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at huwag munang ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR plus Bubble.

 

Ito ay sa kabila ng bahagyang pagbaba na ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos ang mga ipinatupad na mahigpit na quarantine status sa nakalipas na ilang linggo.

 

 

Sinabi pa ni Vergeire, tinitimbang ng IATF ang aspetong pangkalusugan at ekonomiya kaya masusing pinag-aaralan ang tamang aksyon para sa mga darating na araw. (Daris Jose)

Other News
  • Designated area itakda: Hithit ng vape sa pampublikong lugar, bawal na

    PINAGBABAWAL na rin ngayon ang paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes o vape at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products.   Ipinalabas ng Palasyo ang Executive Order 106 na naglalayong amiyendahan ang nauna ng Executive Order 26 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.   Nakasaad sa […]

  • ALJUR, sinisisi ng netizens kung bakit sila nagkahiwalay ni KYLIE; ROBIN, ni-reveal na may third party

    MARAMI kaming nababasa na galit kay Aljur Abrenica at sinisi ang huli sa paghihiwalay nila ng misis na si Kylie Padilla.     Kadalasan ng comment, “ang ganda na ni Kylie, nambabae pa.” “Maganda na nga ang misis, ipinagpalit pa rin.”     Nandiyang tinawag din si Aljur na mayabang at iba pa.     […]

  • Malacanang labas sa mungkahing ipagpaliban ang 2022 polls – Arroyo

    NILINAW ni House Deputy Majority Leader Mikey Arroyo na walang kinalaman ang Malacanang sa kanyang mungkahi sa Comelec na irekonsidera na ipagpapaliban ng halalan sa 2022 dahil sa COVID-19 pandemic.   Sinabi ni Arroyo na hindi niya nakausap ang ehekutibo, maging si Speaker Alan Peter Cayetano, patungkol sa rekomendasyon niyang ito.   Iginiit ng kongresista […]