• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang poll protest ni BongBong Marcos, ginagalang ng Malakanyang

GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ibasura ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo na may kaugnayan sa naging resulta ng 2016 race.

 

“Yan ay desisyon ng kataas-taasang hukuman, we respect that and we respect also that the camp of Senator Bongbong Marcos has a further remedy of moving for reconsideration,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa ulat, sinabi ni SC Spokesperson Brian Hosaka na nagkaisa ang korte na bumoto na ibasura ang nasabing protesta na may limang taon na ang nakalilipas nang ihain ito ni Marcos noong Hunyo 29, 2016.

 

Sa limang 15 mahistrado na dumalo sa pulong ay 7 mahistrado ang “fully concurred” sa pagbasura sa petisyon habang ang natitirang bilang ay “concurred” sa resulta.

 

Sinabi ni Hosaka na ang nasabing desisyon ay ia-upload sa website ng Korte Suprema sa oras na maging available na ito.

 

Hindi naman masabi ni Hosaka kung ang desisyon ay maaarinng iapela.

 

“I cannot answer the question because I only have the information which I read,” anito.

 

Sinabi naman ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo na hindi pa nila natatanggap ang naturang kopya ng desisyon.

 

“Hindi pa kami nakakatanggap ng desisyon, nakinig lamang kami sa presscon,” ayon kay Macalintal.

 

“Ngayon lang kami magkakausap mula nung magkaroon ng pandemya tungkol sa bagay na ito,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang, naghain ng memorandum sa Presidential Electoral Tribunal (PET) si dating senador Bongbong Marcos para sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

 

Humingi ng konsiderasyon si Marcos sa PET na repasuhin at muling pag-aralan ang paunang resulta ng poll recount.

 

Matatandaan na nitong Oktubre ng taong 2019, inihayag ng PET na batay sa initial recount sa tatlong pilot provinces, lumaki pa ng 15,000 ang lamang ni Robredo kay Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Pinakahuling survey ng SWS, welcome sa Malakanyang

    WELCOME sa Malakanyang ang pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita ng bahagyang pagbaba ng bilang ng mga unemployed o bilang ng mga walang trabaho sa bansa.     Batay kasi sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong December 12 hanggang 16, lumabas na ang adult joblessness rate sa bansa ay nasa […]

  • ANG SIKRETO NG BUMABALONG NA PERA, IBUBUNYAG!

    Sino nga ba sa atin ang hindi may gusto na magkaroon ng unlimited cash?   Ngunit, ano nga ba ang susi para bumalong ang kuwarta sa iyo?   Magtrabaho ka at i-manage mong mabuti ang pera mo. Huwag waldas. Pero maliban rito, may ilang llife hacks akong ituturo kung paano hindi mawawalan ng laman ang […]

  • 600K na deactivated voters, nagpa-reactivate

    MAHIGIT 600,000 deactivated voters ang nag-apply para sa reactivation para sa 2025 national at local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules.     Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na mula sa 6.4 million applications na natanggap ng komisyon, ang 3.3 milyon nito ang nadagdag na mga bagong botante kung […]