• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DFA at DOH, nagpaliwanag sa naantalang repatriation; Pinoy crew members na positibo sa virus, 59 na

Halos 60 Pinoy crew members na ng M/V Diamond Princess sa Yokohama, Japan, ang nagpositibo sa China Coronavirus Disease (COVID)-19.

 

Isa rito ay gumaling na matapos ma-confine sa ospital sa Japan.

 

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Sec. Ed Meñez, naitala ang bagong limang kaso nitong weekend.

 

Ayon naman kay Department of Health (DOH) Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa ang resulta ng isinagawang test sa mga Pinoy crew members at posibleng bukas ito ilalabas.

 

Ito anila ang dahilan kaya naipagpaliban ang repatriation sa mga kababayan imbes na noong, Linggo, sana sila iuuwi.
Inihayag ni Asec. Vergeire na itinuturing nilang kritikal ang sitwasyon sa loob ng barko dahil posibleng na-expose na sila sa virus sa patuloy na pagtatrabaho kaya hindi pa rin nila masabi ang eksaktong bilang ng maiuuwing Pinoy crew members. Depende kasi ito kung madagdagan pa ang bilang ng mga magpopositibo sa nakakamatay na virus.
Batay sa plano, mula sa Yokohama ay dadalhin ang mga kababayan sa Haneda Airport para dun sila isasakay ng chartered flight deretso ng Clark International Aiport.

 

Ang mga negatibo naman sa virus at walang sintomas ng respiratory illness ay idideretso sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Tarlac para sa 14-day quarantine. Habang ang magpa-pakita ng sintomas ay dadalhin sa natuloy ng isolation hospital.

Other News
  • Mapapanood ang first-ever mega trailer ng ‘Voltes V: Legacy’… ALDEN, mangunguna pa rin sa celebration ng ‘Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon’

    SI Asia’s Multimedia Star Alden Richards pa rin ang mangunguna sa celebration ng “Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon” ngayong Saturday evening, December 31, na tiyak na magugustuhan ng mga K-Pop fans dahil makiki-party, hindi lamang ang mga paborito nilang Kapuso stars, kundi ganoon din ang mga P-Pop stars at ang biggest K-pop stars of […]

  • Construction ng Quezon Memorial Station ng MRT 7, station tuloy na

    INALIS na ng lungsod ng Quezon City ang suspension order nito na nagpahinto sa construction ng Quezon Memorial Station ng Metro Rail Transit Line 7.   Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na inalis na niya ang cease at desist order na kanilang binigay noong Pebrero 18 matapos na magbigay ang contractors ng isang revised na […]

  • P904 milyon kemikal at gamit sa paggawa ng shabu winasak sa Valenzuela

    Tinatayang nasa P904 milyong halaga ng kemikal at sangkap sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Punturin, Valenzuela city.     Pinangunahan Valenzuela Mayor Rex Gatchalin at PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagwasak ng laboratory equipment, controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na gamit sa […]