DFA, gumawa na ng arrangements para sa pagpapauwi ng mga natitira pang Pinoy sa Kabul, Afghanistan
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
GUMAWA na ng arrangements o pagsasaayos ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation o pagpapauwi sa mga natitira pang mga Filipino na nasa Kabul, Afghanistan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tinatayang nasa 32 Filipino na ang nailikas kagabi, Agosto 15 at ngayon ay nasa Doha na at naghihintay ng kanilang flight pabalik ng bansa.
Samantala, may 19 pang mga Filipino ang inaasahang aalis na rin.
Ang repatriation ay ginawa ng mga employer.
Una nang ipinag-utos ng DFA ang mandatory evacuation ng 130 mga Pilipino sa Afghanistan.
Kaugnay nito, pinabibilisan naman ni Senator Francis Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang repatriation ng mga Pilipino na naiipit ngayon sa kaguluhan sa Afghanistan.
Diin ni Tolentino, dapat paspasan ng DFA at DOLE ang paglikas sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) doon dahil kontrolado na ng Taliban ang Kabul at tumakas na rin palabas ng bansa si Afghan President Ashraf Ghani.
Tinukoy ni Tolentino ang report ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad, Pakistan, na tinatayang nasa 200 mga Pinoy pa ang nasa Afghanistan at karamihan sa mga ito nagtatrabaho na hotel manager, propesor, accountant, company managers at inhinyero.
Nasa 75 naman ang mga Pinoy na kasalukuyang nakaabang sa unang gagawing batch ng repatriation.
Paalala ni Tolentino sa DFA at DOLE na sa ilalim ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, obligado ang kinauukulang mga ahensya ng gobyerno na magsanib pwersa upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa abroad lalo na sa panahon ng kagipitan, digmaan man o iba pang trahedya at kalamidad.
-
Pinas 2nd sa vaccination rollout sa Southeast Asia
Pumangalawa na ang Pilipinas sa estado ng ‘vaccination rollout’ sa Southeast Asia makaraang umakyat na sa 4,097,425 doses ang naipamahagi sa mga mamamayan, ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo. Sa datos mula sa Bloomberg World Data, nasa 4,097,425 kabuuang doses ng bakuna ang naibigay sa publiko ng Pilipinas habang nangunguna […]
-
Justice Lopez, bagong Associate Justice ng SC
KAPWA kinumpirma nina Executiive Secretary Salvador Medialdea at Presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay dating Court of Appeals Justice Joseph Ilagan- Lopez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema. Sinabi ni Sec. Roque na pinirmahan ng Pangulo ang appointment paper ni Justice Lopez kahapon, Enero 25. Inaasahan […]
-
Antonio, 3 pa kakasa sa LGBA
PAMUMUNUAN ng Team Sagupaan ang pagpapatuloy ng 2020 LGBA Cocker of the Year series sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Pebrero 28. Binabalangkas ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), taya ang mahigit P1M sa 4-cock finals na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000. Sasali rito si sabong idol Patrick Antonio, na […]