• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DFA, nangakong bibigyan ng maximun protection’ ang mga Pinoy sa Kuwait

BINIGYANG  diin ng Department of Foreign Affairs na bibigyan ng “maximum protection” ang mga Pilipinong nasa Kuwait.

 

 

Ito ay upang maibsan ang pag-aalala ng migrant community sa Gulf nation kasunod ng biglaang pagsususpinde ng mga bagong entry visa para sa mga Filipino.

 

 

Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Tessie Daza na ang Pilipinas ay nanatiling nakatuon sa pagresolba sa anumang isyu sa paggawa sa Kuwait sa isang makatarungan na paraan.

 

 

Aniya, makakahanap sila ng solusyon na magsasaalang-alang sa pangangailangang magbigay ng pinakamataas na proteksyon at pag-access sa hustisya para sa lahat ng mga mamamayang nagtatrabaho sa nasabing bansa.

 

 

Nauna nang iniulat ng awtoridad na nag-ugat ang suspensiyon sa umano’y mga paglabag na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas kaugnay ng mga rescue operation nito na nagpapalaya sa mga manggagawang Pilipino mula sa mga abusadong employer.

 

 

Sinabi ng DFA na ang “blanket suspension” ay lumilitaw na sumasakop sa lahat ng uri ng bagong entry visa, tulad ng mga ibinibigay para sa negosyo, trabaho, turismo at pag-aaral. (Daris Jose)

Other News
  • “NO HARD FEELINGS”, STARRING JENNIFER LAWRENCE, MARKS THE RETURN OF RAUNCHY COMEDIES

    ONE night during dinner, Jennifer Lawrence asked her friend, writer-director Gene Stupnitsky what he was currently working on.      Stupnitsky, a former co-head writer for The Office and writer/director of the hit comedy Good Boys, shared his inspiration: a real-life Craigslist post that producers Marc Provissiero and Naomi Odenkirk had found.     And […]

  • State visit ni PBBM, wala pang iskedyul- Malakanyang

    HANGGANG ngayon ay wala pang ipinalalabas na iskedyul  ang Office of President (OP) hinggil sa state visit ngayong taon  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ang katuwiran Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz, prayoridad ni Pangulong Marcos ang isapinal ang listahan ng mga miyembro ng kanyang gabinete.     “The President […]

  • LGUs handang maglabas ng ordinansa para sa mandatory vaccination – LPP

    Bukas si League of Provinces of the Philippines (LPP) president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa ideya na maglabas sila ng ordinansa para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.     Nakapaloob aniya sa ilalim ng Local Government Code ang clause hinggil sa general welfare na nagpapahintulot sa mga local government units na magpasa ng […]