• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DHSUD, binuhay ang Luzon shelter clusters para sa bagyong ‘Julian’

BINUHAY ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang shelter clusters nito sa Luzon para matiyak ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng matinding Tropical Storm Julian.

 

Sa katunayan, ipinag-utos ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pagpapalabas ng isang memorandum sa Regional Offices sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Cordillera Administrative Region, kautusan na buhayin ang kanilang shelter clusters.

 

“Dapat lagi tayong pro-active para maibigay natin ang tulong kung kailan ito kailangan ng ating mga kababayan,” ang sinabi ni Acuzar.

 

Inatasan naman ang mga concerned regional directors na i- monitor ang kani-kanilang hurisdiksyon at bilisan ang emergency response at humanitarian assistance sa ilalim ng memorandum.
Inatasan din ang mga ito na magsumite ng daily situational reports para tiyakin ang napapanahon at akmang aksyon.

 

Ang hakbang ay alinsunod sa National Disaster Risk Reduction and Management Council’s Memorandum 244, s. 2024, “which calls for activation and/or placing on standby of response clusters due to Julian.”

 

Sa kabilang dako, inaprubahan na ng DHSUD ang mahigit sa P30 million na tulong para sa mga biktima ng bagyong Carina at sunog sa Bacoor City, Cavite, at iba pang bahagi ng bansa.

 

May ilang biktima ang nakatanggap na ng cash assistance mula sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng DHSUD.

 

Layon ng programa na magbigay ng cash assistance na nagkakahalaga ng P3,000 para sa mga ‘totally damaged houses’ dahil sa kalamidad, man-made o natural, at P10,000 para sa may ‘partially damaged houses.’ (Daris Jose)

Other News
  • SARAH, umamin na rewarding at challenging ang buhay may asawa; MATTEO, proud at nag-uumapaw ang pagmamahal

    ANG sweet naman ng mga dedicated fans ng married couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, dahil sila ang nag-post sa social media nang mag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang first wedding anniversary, sa Coron Palawan.      Matatandaang kinasal sina Matteo at Sarah noong February 20, 2020. Nag-post din si Matteo on their special […]

  • Organizer ng Beijing Winter Olympics hindi na magbebenta ng tickets

    TULUYAN ng kinansela ng China ang plano nito na magbenta ng tickets sa publiko para sa Winter Olympics.     Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan natiala ang mataas na bilang sa Biejing.     Ayon sa Beijing organizing committee na inalala nila ang kalusugan at kaligtasan ng […]

  • PDu30, sinabing “punch-drunk” si Pacquiao nang sabihing P10B ang nawala sa gobyerno

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin ng huli na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon.   “I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala […]