• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di hamak na mas madali ang buhay artista ngayon: NADIA, may payo sa mga teenstars na may ‘attitude’

DAHIL tungkol sa motherhood ang Youtube talk show ni Ynna Asistio na ‘Behind The Scenes With Ynna’ ay nararapat lamang na ang first guest niya ay walang kundi ang ina niyang si Nadia Montenegro.

 

At dahil sikat na teen actress si Nadia noong ‘80s ay napag-usapan ng mag-ina ang tungkol sa mga youngstars noon at ngayon.

 

 

Ayon sa obserbasyon at experience ni Nadia ay ‘di hamak na mas kumportable at madali ang buhay ng mga youngstars ngayon kaysa noong panahon nila nina Gretchen Barretto at iba pa.

 

 

“Like what I say to every actor that I meet, especially sa young generation ngayon, napaka-bless ninyo, napaka-bless nilang lahat,” pahayag ni Nadia.

 

 

Kuwento pa niya kay Ynna, noong time nila ay walang airconditioned tent or standby area at kanya-kanya raw hanap ng pupuwestuhan ang mga artista habang hindi pa kinukunan.

 

 

At noon raw ay importante ang talent at hindi itsura lamang.

 

 

“Even our workshop was not a joke. Kasi nung araw, kailangan marunong kang kumanta, sumayaw, mag-host, umarte, maglakad, humarap sa tao, hindi tulad ngayon.”

 

 

Kaya dapat raw na mas higit na respeto pa ang ibigay sa mga artista noong araw na hanggang ngayon ay aktibo pa sa industriya.

 

 

At tulad ng hinaing ng ibang mas nakakatandang mga artista, may mga kabataang artista ngayon, although hindi naman lahat, ay hindi marunong magbigay-galang.

 

 

“Kasi now, alam mo, dami naki-create na mga monsters, spoiled brats. Maraming spoiled brats na artista na akala mo…

 

 

“Hija, hijo, chill ka lang. Hindi yan ang dulo… dinadaan ka lang diyan. Find your real destiny,” sabi pa ni Nadia patungkol sa mga teenstars na may attitude.

 

 

“I was never ashamed to introduce myself, being humble, and introducing yourself, being polite, and respectful to everyone.

 

 

“Being friendly is such a blessing. Being nice to everyone.”

 

 

Samantala, ang ‘Behind The Scenes With Ynna’ ay collaboration ni Ynna with Triple A Digital Company and Studio Manila.

 

 

Sa episode 2 naman na may titulong Mother, Rising Back Up ay si Jennica Garcia ang naging guest ni Ynna at sa episode 3 naman na Multifaceted Mother ay si Jamey Santiago- Manual ang guest, ang asawa ng StarStruck Season 4 Avenger na si Jan Manual.

 

 

Napapanood ito sa Youtube na may bagong episode tuwing Sabado, 6 p.m. sa https://www.youtube.com/@behindthesceneswithynna

 

 

***

 

 

DAHIL siya ang superhero na si Captain Kitten sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ ay pinanood ni Jillian Ward ang ilang pelikulang may Catwoman character upang magkaroon kahit papaano ng ideya.

 

 

Ang mga napanood ni Jillian ay ang Catwoman portrayal nina Anne Hathaway sa ‘The Dark Knight Rises’ (2012) at ni Halle Berry sa ‘Catwoman’ (2004).

 

 

Sa kanyang Instagram account ay nag-post na rati si Jillian na naka-costume siya bilang superhero tulad ni Wonder Woman; may kuha rin siya na naka-mermaid costume siya.

 

 

Cat person ba si Jillian o dog person?

 

 

“Hala, ang hirap! Both po, e. Pero ang pets ko po ngayon is marami po akong dogs. Apat po sila, si Butter, si Soju, si Magnus and si Gaspar.

 

 

“And ano po sila, Lhasa Apso and Pomeranian, yung isa po may halo ng Chow Chow, so ang ku-cute po talaga nila!

 

 

“Alam niyo po pag uuwi po ako galing taping kahit sobrang pagod ko po nawawala po yung stress, yung pagod, kapag nandun po sila sa pinto pagbukas ko ng pinto talagang hug po nila ako, kiss nila ako.”

 

 

Napapanood ang ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Maharlika Investment Fund bill nais pasertipikahang ‘urgent’ kay PBBM

    NAIS  ni House ­Speaker Martin Romualdez na sertipikahang urgent ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.     Ayon kay Romualdez, kung siya ang tatanungin ay mas mainam na masertipikahang urgent ang MIF upang agad rin itong mapagtibay sa Kongreso.     Inihayag ni Romualdez na patuloy na dumarami […]

  • Magkapatid na bebot timbog sa P.5M droga sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya sa magkapatid na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang mahigit P.5 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng umaga.       Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 ng Brgy. […]

  • Malaking bagay na si Yam ang director ng movie: FRANKI, palaban din sa hubaran at nakipagsabayan kina KIKO at JAY

    MARAMI ang nakapansin sa isa sa mga Instagram post ni Heart Evangelista na tila ang payat na raw talaga nito ngayon.     Although, sa buong showbiz career naman yata ni Heart, never namin siyang nakitang tumaba, huh.     Pero medyo kapansin-pansin nga ang mas malaking ibinawas ng timbang ni Heart. Na even her […]