• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di makapaniwalang 5 months na si Peanut: LUIS, pinagtripan na naman ang pagsasayaw ni VILMA

ANG bilis ng panahon at five months old na pala si Isabelle Rose, ang first born ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Pinost ni Luis sa kanyang Instagram si Baby Rose na naka-pink ruffle dress at may number 5 sa tabi nito na puno ng bulaklak.

“Happy 5th month our little Peanut,” caption ni Luis.

Caption naman ni Jessy: “You’re growing up too fast. I can’t believe you are 5 months already. I love you so much, my little one.”

At siyempre, hindi mawawala ang post ni Luis ng Tiktok video nila ng lola ni Baby Rose na si Ms. Vilma Santos-Recto.

Sa bagong Tiktok dance video ng mag-ina Vilma at Luis, nag-ala Universal Motion Dancers sila. Nakakatawa lang si Luis dahil pinaglaruan na naman niya ang pagsayaw ng kanyang Mommy Vi.

Caption niya: “Ewan ko dito kay Momski di makasabay”

May ilang dance moves naman na nakakasabay si Ate Vi kay Luis, pero dahil sa pagiging natural na komedyante ng anak, hindi mapigilan ni Ate Vi na matawa at mawala sa timing ang pagsayaw niya.

***

HINDI mapigilan ni Shaira Diaz na maging emotional nang kunan siya ng photo na nakasuot siya graduation cap and toga sa morning show na Unang Hirit.

Matagal na kasing dream ni Shaira ang makapagtapos ng kolehiyo at maka-experience na umakyat ng entablado para tumanggap ng diploma. Next year daw ay matatapos na si Shaira sa kanyang kursong marketing and management sa University of Perpetual Help sa Las Pinas City.

Inamin ni Shaira na kahit na puyat siya sa taping at kailangan pa niyang magising ng maaga para sa hosting job niya sa UH, hindi naging dahilan iyon para tumigil siya sa kanyang pag-aaral. Ilang beses na raw siyang nag-stop sa pag-aaral noon dahil sa trabaho, pero this year daw ay tinuluy-tuloy niya para makatapos na siya.

“Naalala ko ‘yung struggle kasi mahirap pagsabayin yung pag-aaral saka yung pagtatrabaho. Nakailang stop ako tapos nakailang enroll ulit kasi nga ‘pag sobrang busy.

“Pero this year, talagang tinuloy ko. Gusto ko kasing maka-graduate at magsuot ng cap and toga,” maluha-luhang pahayag ni Shaira.

***

NANINIWALA ang ‘The Big Bang Theory’ star na si Kaley Cuoco na susunod sa kanyang acting footsteps ang kanyang baby girl na si Matilda.

Kahit na two months old pa lang daw ito, ginagaya na raw ni Baby Matilda ang mga expressions ng mukha niya.

Pinost ng daddy ni Matilda na si Tom Pelphrey sa kanyang Instagram ang nakakatuwang photos nito habang ginagaya ang facial expressions ng kanyang mommy.

“The acting is in her genes. I don’t know how she won’t,” sey ni Kaley.

Balik-trabaho si Kaley at bida ito sa bagong series sa Peacock titled Based On A True Story na mag-premiere on June 8. Makakasama rito ni Kaley sina Chris Messina at Tom Bateman.

 
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Kahit parehong buong husay na naitatawid: DINGDONG, inaming magkaiba ang challenge sa hosting at sa pag-arte

    KILALANG aktor at host si Dingdong Dantes.   Isa siya sa iilang personalidad sa showbiz na buong husay na nakatatawid sa pag-arte sa harap ng kamera bilang artista at nakapagdadala rin ng programa bilang host.   Bilang artista, bidang karakter si Dingdong bilang si Napoy sa ‘Royal Blood’ ng GMA.   May pelikula rin sila […]

  • First artist na may apat na ‘Album of the Year’: TAYLOR SWIFT, gumawa ng history sa 2024 Grammy Awards

    BILANG beterana na sa showbiz, sinabi ni Janice de Belen na ang mahalagang aral na kanyang natutunan sa pagiging aktres ay ang pagrespeto sa oras ng iba.     “Discipline. Listening. And coming on time. Medyo OA ako pagdating sa time. Kahit na noong bata ako, my 8 a.m. on the set will always be 7:30. […]

  • Fil-Japanese golfer Yuka Saso, 4th place sa 2021 Walmart NW Arkansas Championship

    Nagtapos sa ika-apat na puwesto ang Philipinne golfer na si Yuka Saso sa 2021 Walmart NW Arkansas Championship na ginanap sa Pinnacle Country C   lub in Rogers, Northwest Arkansas. Tinapos ng Filipino-Japanese golfer ang torneyo na mayroong total na 199 at 14-under par 71 sa lahat ng 54-hole sa tatlong araw na torneyo.   […]