• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di na gagamitin ang ‘Wowowin’ sa pagbabalik-TV: WILLIE, nangako na handang magbigay ng tulong sa TV5

KUMPIRMADO na rin ang pagbabalik telebisyon at pumirma na ng kontrata si Willie Revillame sa Kapatid Network at Media Quest Ventures para sa bagong partnership.
Ginanap ang naturang pagpirma ni Willie last  noong April 26 kung saan present ang mga bosing ng TV5 kasama sina presidente ng Media Quest Holdings and Cignal TV na si Jane Basa, TV5 President Guido Zaballero, MediaQuest Holdings CFO John Andal at Sienna Olaso.
Pinasalamatan naman ni Willie unang una si Manuel V. Pangilinan sa panibagong second chance na ibinigay daw sa kanya, huh!
 “Alam ko namang may doubt pa rin, but you have to understand syempre ‘yung mga pinagdaanan ko at alam niyo naman ‘yung pinagdaanan ko sa ibang channel.”
“Pero no regrets kung ano mang channel akong mapunta,” paliwanag pa ni Willie.
Hindi rin naman nakalimutan ni Willie ang pasasalamat niya sa dating network, ang GMA, pati na rin ang mga executives ng dating pinaglingkurang TV network.
 Nangako naman ang TV host handa na raw siyang magbigay ng tulong sa TV5 sakaling kailangan siya ng network.
“Hindi lang ‘yung bagong programa ko ang aalagaan ko, even TV5,” pangako niya.
“Kung anong maitutulong ko sa TV5, kung anong creativity, ideas, kahit walang bayad I’m willing to do that.”
 Ayon pa kay Willie, hindi na nila gagamitin ang titulong “Wowowin,” pero magkakaroon pa rin siya ng game show.
Sa ngayon daw ay nagbe-brainstorming pa rin sila sa magiging bago niyang programa.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • Pope Francis, isinulong ang civil-union para sa same sex couples

    IDINEKLARA ni Pope Francis ang kanyang suporta sa pagsasama ng parehas na kasarian o ang same-sex couples.   Sinabi nito na ang mga taong homosexual ay may karapatan din sa pamilya dahil sila ay anak din ng Diyos.   Aniya, hindi dapat silang ipagtabuyan o sila ay kutyain.   Kailangan lamang ng gumawa ng civil […]

  • Lionel Messi, Argentina gigil na sa World Cup finals kontra France

    HANDA na si football superstar Lionel Messi na sumipa sa World Cup finals pagharap kontra France ngayong alas-11 ng umaga sa Doha Qatar.   Pangalawang World Cup finals appearance ito ng 35-year-old na si Messi, kung saan ay nasa kukote ng Argentian star ang maghigant matapos ang 1-0 pagkabigo sa Germany noong 2014 finals sa […]

  • PDu30, muling ipinagtanggol si Sec. Duque sa mga kritiko nito

    MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa mga kritiko nito sabay sabing wala siyang nakikitang mali sa Kalihim.   Kaya nga, nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo kay Sec. Duque.   Giit ng Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang inaaway si Sec. Duque at palabasing ito […]