Betong, ‘di itinago na may matinding pinagdaanan habang naka-lockdown
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
MENTAL Health Awareness Month ang buwan ng Oktubre at sa buwan na ito, pinapaalam ng marami ang nagiging epekto sa tao kapag hindi nabantayan ang kalagayan ng kanilang mental health.
Dahil sa COVID-19 pandemic, maraming tao sa buong mundo ang nakaranas ng depression, anxiety, restlessness at yung iba ay umabot na sa pagkakaroon ng suicidal thoughts. Kaya importante na ma-check ang mga taong ito na may mental health problem para ipaalam sa kanila na magiging maayos din ang lahat.
Isa nga sa binabantayan ang kalagayan ng kanyang mental health ay ang Kapuso comedian- TV host na si Betong Sumaya. Hindi kaila sa marami na may pinagdaanan na matinding anxiety si Betong noong magkaroon ng lockdown.
Para maibsan daw ang kanyang anxiety, umiwas daw muna itong manood ng mga balita sa telebisyon.
“May times na ayoko manood muna ng news. Hindi ko sinasabi na hindi importante, napakaimportante ng news. Pero may point minsan na parang naa-alarm ako. Kasi parang nakikita mo parang ‘yung cases nararamdaman mo,” diin ni Betong.
Nakatulong ang dasal kay Betong para mapawi ang kanyang nararamdamang lungkot.
“‘Yung faith mo talaga kay Lord, wala tayong ibang makakapitan ngayon kung hindi si Lord talaga ‘di ba, sa dami ng mga nangyayari sa atin.”
Mabuti raw at meron siyang online weekly show na Quiz Beh! at panay ang video chat niya sa kanyang pamilya.
“Ako po, home alone talaga ako; 7 months na akong home alone dito sa Quezon City. Pero siyempre, I have to make a way na makausap ko ‘yung family ko so very thankful ako na meron tayong Facetime at iba’t ibang ways na makausap sila.” (RUEL J. MENDOZA)
-
Andi, ‘di na sanay sa ingay ng city at na-miss agad ang Siargao
NASA Manila pala ngayon si Andi Eigenmann kasama ang mga anak na sins Ellie at Lilo at hindi makauwi sa Siargao. Na-stranded ang mag-iina sa Manila at miss na nila ang bahay nila sa Siargao kunsaan ang naroon lang ay ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo. Dahil sa magkakasunod na bagyo […]
-
Romano, 3 pabibo sa LGBA series
WALANG pang bahid ang kartada (3-0) ng apat na sabungero sa pagbubukas ng 2020 Luzon Gamecock Breeder Association Cocker of the Year series nitong Biyernes sa Pasay City Cockpit. Mga miyembro naman ng LGBA ang pupupog sa round two sa darating na Biyernes, Pebrero 21 samantalang sa Pebrero 28 ang grand finals ng pasabong […]
-
Pacquiao, sanay na raw humarap sa mas malalaking boksingero kaysa kay Spence
Itinuturing ni American boxer Errol Spence na isang matinding laban ang matutunghayan ng mga boxing fans sa pagharap niya kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Sa isinagawang unang presser ng dalawang boksingero para sa August 21, 2021 na laban tiniyak ni Spence na magwawagi ito. Alam daw niya ang kakayahan ng […]