‘Di naging hadlang ang edad para matutunan ang sport: GIL, naging abala sa jiu-jitsu at nanalo ng first gold medal
- Published on March 15, 2024
- by @peoplesbalita
MARUNONG na raw si Lianne Valentin na ibalanse ang kanyang trabaho at personal na buhay.
Kailangan daw niyang matutunan ito dahil tumatayo siyang breadwinner ng kanilang pamilya.
At dahil sa pagsusumikap niya, nakapagpundar na siya ng sarili niyang sasakyan at nakabili na siya ng bagong bahay para sa pamilya niya.
“Minsan ‘pag nag-look back ako, sabi ko grabe na pala, ‘yung layo from when I was 10-years old ako sa ngayon. Kasi siyempre minsan ‘pag ikaw nakakaranas, hindi mo nakkikita ‘yung growth mo, ‘di ba?
“Pero ‘pag talagang nag-take time ka to sit down and like recall everything, mapapa-Thank you lord ka na lang talaga.”
Pagkatapos ng mga nagawang roles ni Lianne bilang child actress, maging best friend ng bida sa teleserye hanggang sa mabigyan siya ng big break ng GMA sa mga teleserye na ‘Apoy Sa Langit’, ‘Royal Blood’, ‘Hearts On Ice’ and ‘Lovers/Liars’, sulit daw ang lahat ng mga naging sakripisyo niya noon.
“Worth it ‘yung hard work. Sabi ko nga lahat ng sacrifices ko when I was a child, ‘yung mga hindi ko na-experience na normal childhood like everyone else.
“Because I wanted to do this job and this is my passion, sabi ko sobrang worth it lahat ngayon,” sey ni Lianne na kasama rin sa Sparkle 10.
***
HABANG wala pang bagong teleserye, naging abala si Gil Cuerva sa martial art combat sport na jiu-jitsu at kelan lang ay napanalunan nito ang kanyang unang gold medal sa naturang sport.
Post nito sa Instagram: “It took a lot of convincing, but last Saturday, I actually joined my first Jiu Jitsu competition. I’m proud to say that I earned a gold medal in my first ever competition by winning all 3 matches. “Ironically, prior to the competition, I felt like I wasn’t even ready to compete. Not bad for a hobbyist, I guess? Hehe. There’s still so much room for improvement (I’ve only been training for about 9 months) but I’m enjoying the process of learning and the grind to becoming better. First gold of hopefully more to come. Oss!”
Kung tutuusin daw, sa edad niyang 28 ay medyo matanda na raw siya para sa sport na jiu-jitsu. Nagsisimula raw ang iba ay bata pa lang sila.
Pero hindi raw naging hadlang ang edad kay Gil para matutunan ang sport na ito.
“It’s never too late to try something new and to reinvent yourself but you just need to make the change from One Day,” sey ni Gil na huling napanood sa teleserye na ‘Love You Stranger’.
***
INAMIN ng Hollywood actress na si Sharon Stone na pinilit siya noon ng isang film producer na makipag-sex sa aktor na si Billy Baldwin para raw umayos ang pag-arte ng aktor sa pinagsamahan nilang pelikula na ‘Sliver’ noong 1993.
Pinag-usapan sa isang podcast ang 2021 memoir ni Sharon na ‘The Beauty of Living Twice’. Sa isang chapter, nabanggit ng 66-year old actress na ang late producer na si Robert Evans ang nag-pressure sa kanya na makipag-sex kay Baldwin.
“Because if I slept with Billy Baldwin, Billy Baldwin’s performance would get better. And we needed Billy to get better in the movie, because that was the problem.
“If I could sleep with Billy, then we would have chemistry onscreen, and if I would just have sex with him then that would save the movie.”
Dagdag pa ng aktres na bago raw sila mag-shoot ng movie, nag-suggest siya ng ilang actors para makasama sa movie, pero pinilit daw ng producer si Billy Baldwin.
Sa screen test pa lang daw ay pumalpak na ito.
“I had actor approval in my contract. No one cared. They cast who they wanted. To my dismay, sometimes. They insisted on Billy Baldwin when he couldn’t get one whole scene out in the test.
“Now you think if I f— him, he will become a fine actor? Nobody’s that good in bed. I felt they could have just hired a co-star with talent, someone who could deliver a scene and remember his lines.”
Reaction ni Billy Baldwin sa mga sinabi ni Sharon: “Wonder if I should write a book and tell the many, many disturbing, kinky and unprofessional tales about Sharon? That might be fun.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
Ads September 26, 2024
-
Revised rules para sa “Green Lanes”, inaprubahan ng IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) araw ng Huwebes, Hulyo 22, 2021, ang revised rules para sa “Green Lanes”. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pasahero na galing sa mga bansang kabilang sa green lanes ay magkakaroon lamang ng 7-day facility-based quarantine at RT-PCR testing matapos ang kanilang pang-limang araw na quarantine. […]
-
Gobyerno, mas gugustuhin pa na magpatupad ng localized o granular lockdowns
MAS gugustuhin pa ng pamahalaan na magpatupad ng localized o granular lockdowns kaysa ibalik ang buong bansa sa strict lockdown sa gitna ng pagtaas ng coronavirus cases. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may kapangyarihan ang local government units (LGUs) na magpatupad ng localized lockdown sa isang specific o tiyak na lugar kung saan […]