‘Di nahiyang napaiyak nang makita si Key ng SHINee: SHARON, sinabihan ng netizens na ang ‘OA’ nang naging reaksyon
- Published on May 31, 2022
- by @peoplesbalita
MAY nabasa kaming mga comment na nagsasabing, “Ang OA!” “OA naman talaga!,” patungkol kay Megastar Sharon Cuneta.
Dahil ito sa mga nai-post, especially ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan na pag-iyak ni Sharon nang makita na nito on stage ang isa sa hinangahangan miyembro ng South Korean boy group na Shinee na si Key.
Nagsisimula na nga ang Philippines na mag-open for some international acts tulad sa nangyaring concert last weekend ng mga South Korean k-pop group sa “Begin Again.”
May nagsasabi man na ang “OA” para sa kanila ng reaction ni Sharon, pero sigurado kami, sa mga K-Pop fans, normal lang ito. Naiintindihan, lalo na ng mga kapwa fans ang nararamdaman ng kapwa nila K-Pop fanatics.
In fact, halatang kinilig at tila naiiyak din si Sharon pagpasok niya ng Araneta Coliseum na nagsigawan din for her ang mga tao sa loob. And to think na ilang beses na ba siyang nag-concert o show sa Araneta na siya ang main star, pero this time, isa siya sa mga fans at nasa audience.
Kaya sabi niya sa ipinost na video sa kanyang Instagram account, “Upon enterting the Coliseum from backstage tonight (Nope—we didn’t see Key or NCT Dream there.). Thank you, fellow K-Pop fans!!! I felt like I was with friends.”
At sinabi rin niya na si Key nga lang daw ang nagpaiyak sa kanya tulad nang naging reaction niya sa concert, “Nakakahiya man pero SHINEE (this time si Key pa lang) ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito. I was so happy when I got to meet NCT 127, but I will cry buckets if all SHINee comes. And possibly EXO too (especially DO). Back to Ilocos tomorrow for work. God bless you all.”
So ‘yun na nga, kahit na nasa taping ito ng FPJ’s Ang Probinsyano, talagang nagpaalam ito at bumaba ng Manila para lang makapanood ng concert at bumalik din agad sa taping.
***
ISA sa masasabi talagang masuwerteng artista na lumipat sa Kapuso network ay si Beauty Gonzales.
Naging sunod-sunod ang magaganda niyang proyekto at halos magaganda rin ang mga karakter na pinagbibidahan niya.
Ang latest niya ay ang The Fake Life kunsaan, makakasama niya sina Ariel Rivera, Sid Lucero at Tetchie Agbayani.
Kilalang prangka si Tetchie, pero all good words ang meron ito para kay Beauty. Tinanong tuloy namin si Beauty kung bago pa niya makasama sa taping ang actress, may idea na siya kung sino ito.
“Of course, I have an idea who Ms. Tetchie is, she’s very famous. Crush siya ng bayan!,” sey naman ni Beauty.
“So noong una ko siyang na-meet, ako ang unang lumapit sa kanya. I introduced myself and first day pa lang, ang gaan na, ang dami na naming napag-usapan sa set. Ang gaan na. Parang magaan na kami agad sa isa’t-isa.
“I’m so happy and lucky. Malayo ako sa pamilya ko ngayon and to find someone na makaka-relate kayong dalawa, it’s a blessing.”
At dahil The Fake Life ang title ng bagong afternoon prime ng GMA-7 na magsisimula ng mapanood sa June 6, tinanong din ‘to kung paano at ang co-star niya ay fake pala.
Paano niya naitatawid ang working relationship dito.
“Well, paano ko naitatawid na makipag-trabaho sa isang fake person, well, may the best actor win. Kung fake siya, e, ‘di fake na rin ako.
“Pagalingan ng arte na lang. May the best actor win. That’s how I view it,” natatawang sabi niya.
(ROSE GARCIA)
-
AstraZeneca, Clover, Janssen vaccines lusot na sa ethics review board: DOH
Aprubado na rin sa level ng Single Joint Research Ethics Board (SJREB) ang clinical trial application ng tatlong kompanya na nag-develop ng COVID-19 vaccines, ayon sa Department of Health (DOH). Kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nabigyan na ng clearance ang aplikasyon ng Janssen Pharmaceutical at AstraZeneca na mula Europe; at Clover […]
-
Aminadong nag-try mag-audition sa international movies… AI AI, very blessed kaya ayaw magpaapekto sa isyung binabato sa kanya
ITINANGGI ni Ms. Ai Ai delas Alas na kasama siya sa cast ng international movie na dapat sana ay pagbibidahan ni Jokoy. Pero inamin ng comedy concert queen na nakapag-audition for the said role. “Nakaabot naman ako up to level 3 ng audition,” kwento ni Ai Ai sa intimate zoom presscon […]
-
Pinas, Italy inaasahang pag-uusapan na pagbutihin pa ang military cooperation – envoy
INAASAHAN na pag-uusapan ng Pilipinas at Italy ang pagpapalakas sa ugnayan sa pagtatanggol. Ito ang sinabi ni Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente kasunod ng pagdating ng Italian navy ship Francesco Morosini sa Maynila para sa isang “goodwill visit.” Sinabi ni Clemente, kapwa ginagawa ng dalawang panig ang makakaya nito […]