• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di nila pipigilan ni Vic kung ‘yun ang gusto ng anak: PAULEEN, magiging stage mother ‘pag tuluyan nang nag-artista si TALI

SA presscon ng show nila sa NET25 na Love, Bosleng and Tali ay winika ni Bossing Vic Sotto na dapat daw siya lang ang kasama sa show nang pag-usapan nila ito ni Direk Chris Martinez.

 

 

Na-delay lang daw ang pagsisimula nito dahil sa pandemic pero nung mag-usap ni Direk Chris ay isama na rin sa cast sina Pauleen at Tali.

 

 

Binibiro ni Bossing Vic si Pauleen na magiging stage mother daw ito kung sakaling tuluyang pasukin ng anak nilang si Tali ang showbiz.

 

 

Hindi naman itinanggi ni Pauleen na possible nga siyang maging stage mother. Inspired kasi si Pauleen sa kanyang mommy na iniwan ang trabaho at naging stage mom sa kanya nang mag-artista siya.

 

 

Balak din niya na gawin kung sakaling mag-artista rin full-time si Tali.

 

 

Sabi naman ni Bossing Vic, hindi niya pipigilan si Tali kung sakaling gusto nitong mag-artista.

 

 

Sa ngayon daw ay nage-enjoy ang bata sa paglabas sa ‘Eat Bulaga’ at sa ‘Love Bosleng at Tali’ kaya hinayaan lang nila nila.

 

 

Susuportahan naman daw nila nila ni Pauleen si Tali kung talagang gusto nitong umarte.

 

 

Going back to Bossing Vic, wala naman daw issue sa GMA 7 ang pagkakaroon niya ng show sa NET25. Nagpasintabi naman daw diya sa mga bosses niya sa GMA.

 

 

***

 

 

MAY bagong single ang Parody King na si Denin Sy titled ‘Minsan Kape, Minsan Ikaw.’

 

 

Ang awitin, na prinodyus at distributed ng Delta Records, ay ang bagong composition mula sa singer-songwriter na marami na rin naman naisulat na kanta na may catchy lyrics at melodies tulad ng ‘Magbabalik Sa Iyo,’ ‘Sabi Mo Usap Lang’ at ‘Pasensiya Ka Na God Bless.’

 

 

Kilala rin si Denin sa parody ng theme song ng “Bioman’ na umani nang million views sa Facebook.

 

 

Sa isang interview, sinabi ni Denin na nagkakape siya sa loob ng kotse nang bigla siyang nagkaroon ng idea na sumulat ng kanta on that coffee moment.

 

 

Nang makauwi siya, kinuha niya ang gitara at nagsimula sumulat ng kanta. After a few minutes ay nabuo na niya ang ‘Minsan Kape, Minsan Ikaw.’

 

 

Architect by profession si Denin at ang sabi niya na may similarity ang paggawa ng kanta at architecture.

 

 

“Ang lyrics at melody sa kanta ay parang form and function sa architecture. Isa pang similarity ay pwedeng mong i-improve at i-revise ang kanta na sinulat mo,” saad ni Denin.

 

 

Pangarap ni Denin na ang sana ang ilan sa mga compositions niya ay magamit na theme song sa pelikula, teleserye at commercial jingles.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Quiapo Church idineklara nang ‘National Shrine’

    PORMAL nang idineklara na “National Shrine” ang Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) sa isang seremonya ng deklarasyon sa loob ng simbahan January 29.     Pormal na tinanggap ni Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula at ni Fr. Rufino “Jun” Sescon, ang official decree na nagdedeklara sa Quiapo church bilang National Shrine mula […]

  • Army Dragon Warriors, humakot ng mga parangal sa 1st leg ng PH Dragon Boat Federation Regatta

    ITINANGHAL na over-all champion ang Philippine Army Dragon Warriors sa 1st leg ng Philippine Dragon Boat Federation Regatta matapos hakutin ang unang pwesto sa tatlong kategorya.     Isinagawa ang torneo sa prestihiyosong Manila Bay noong Marso 27 ng taong kasalukuyan matapos itong maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.     Ayon kay […]

  • PBBM, muling binuhay ang Task Force El Niño

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng isang executive order (EO) na muling buhayin ang Task Force El Niño.     Inanunsyo ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang muling pagbuhay ng  task force noong December 2023, subalit ang EO ay nilagdaan lamang noong Enero 19 at In-upload sa Official Gazette, araw […]