• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di pagpapalabas sa 10-14 anyos sa MGCQ areas, suportado ng DepEd

Malugod na tinanggap ng Department of Education (DepEd) ang desisyon ni Pangulong. Rodrigo Duterte na bawiin ang planong payagan na ang mga batang 10 hanggang 14-taong gulang na makalabas na ng kanilang tahanan, sa mga lugar na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ).

 

 

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, wala silang problema o agam-agam sa desisyon ng Pangulo.

 

 

Aniya, nauunawaan nila sa DepEd ang desisyon ng Pangulo, lalo na at nang isagawa naman aniya ang desisyon na payagan nang luwagan ang age restriction sa mga bata ay wala pa namang nade-detect na mga kaso ng UK COVID-19 variant sa bansa.

 

 

“Kami po ay pumapayag dahil may batas na tayo na nagsasabi na ang Presidente ang magdedesisyon tungkol sa pagbukas at pagsara ng ating mga programa sa DepEd, on the recommendation of the DepEd,” ayon kay Briones.

 

 

Sa Pebrero 1 sana ay papayagan na ang mga batang 10-14 taong gulang na makalabas ng kanilang tahanan sa MGCQ areas.

 

 

Gayunman, nitong Martes binawi ni Duterte ang desisyon ng IATF dahil na rin sa banta ng UK variant ng COVID-19.

Other News
  • Ilang mga negosyante pinuri ang pagregulate ng LPG industry

    ITINUTURING ng mga negosyante sa bansa na may malaking tulong sa ekonomiya ang Republic Act 11592 o ang panukalang batas na nagreregulate ng liquefied petroleum gas industry.     Ayon kay dating LPGMA party-list representative Arnel Ty na ang nasabing panukalang batas ay magbibigay ng daan para mapataas ang tiwala at proteksyon sa mga investors […]

  • LTFRB: 7,870 slots binuksan para sa TNVS

    Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit na libong karagadagan slots para sa transport network vehicle service (TNVS).       Naglaan ng 7,879 slots ang LTFRB para sa karagdagan slots ng TNVS upang lumakas ang operasyon ng TNVS at ng mabiyan ng tamang serbisyo ang mga pasahero.       […]

  • GAL Gadot’s Video Fuels Speculation That ‘Wonder Woman’ Will Appear in ’The Flash’

    WARNER Bros. and DC Films have spent the last several years working on a solo film for Ezra Miller’s Flash.     The movie finally made progress when Andy Muschietti signed on to direct Christina Hodson‘s script. The Flash will deal heavily with the concept of the multiverse as it acts as a loose adaptation of Flashpoint. It is […]