‘Di tatanggi si Julia sakaling mag-propose na siya: GERALD, pinag-iisipan at pinaghahandaan na ang pagpapakasal
- Published on June 21, 2022
- by @peoplesbalita
THROUGH her Facebook and IG accounts ay nagpasalamat si Megastar Sharon Cuneta sa mga nanood ng Iconic concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Tama ang sinasabi ng mga nakapanood ng repeat ng Iconic na mas maganda ito compared sa napanood nila three years ago. Mas maganda ang repertoire at may mga bagong song numbers na nagpakilig sa mga tao.
First night kami nanood at nagustuhan naming ‘yung version nina Sharon at Regine ng “Narda”, ang popular na awit ng Kamikazee.
Siyempre much-awaited ‘yung app’earance ni Ms. Pilita Corrales kung nag-trio sila ng “Sa Ugoy ng Duyan. Solo number naman ni Pilita ang “A Million Thanks To You”.
Nanood noong unang gabi nanood si Robin Padilla, gayundin si Salvador Panelo. Nagyakapan pa sina Sharon at Mr. Panelo na nagkaroon ng isyu nang awitin ng senatorial aspirant ang “Sana’y Wala Nang Wakas” sa isang campaign rally.
Sa isang post ay sinabi rin ni Sharon na nagpa-plano silang gumawa ng movie ni Robin.
***
PINAG-IISAPAN na raw ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang prospect ng pag-aasawa.
Kamakailan ay nag-guest si Gerald at ang gf niya na si Julia Barretto sa isang episode ng “The Boy Abunda Talk Channel” kung saan tinanong ni Boy Abunda si Julia kung ano ang isasagot niya kung sakaling mag-propose si Gerald.
“Yes” ang sagot ni Julia.
Reaction naman ni Gerald na lahat daw mga ginagawa niya ay preparasyon sa pagpapakasal in the future. Pero nang tanungin kung sakaling si Julia ang mag-propose sa kanya, mas dapat pa rin na ang lalaki pa rin ang mag-propose.
“I believe that the guy should always propose, and the wedding day is all about your bride. Kung ano ang gusto niya, kailangan niya, it’s all about her,” pahayag ni Gerald.
Kahit na mas progressive na ang current generation, sinabi ni Gerald na naniniwala pa rin siya sa “old school” way na ang lalaki ang nagpo-propose.
Si Gerald ay isa sa bida sa upcoming ABS-CBN series titled A Family Affair kung saan tampok din sina Sam Milby, Jake Ejercito, Jameson Blake at Ivana Alawi.
***
BAKIT kaya wala si Lotlot de Leon sa Malacanang noong Thursday nang igawad kay Ms. Nora Aunor ang National Artist Award?
Hindi nakadalo si Ate Guy dahil hindi pinayagan ng kanyang doctor bagamat nakahanda raw itong dumalo at nagpatahi pa ng bagong damit.
Sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth de Leon ang tumanggap ng award ni Ate Guy mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Baka naman may prior commitment si Lotlot kaya di siya nakasama sa kanyang mga kapatid.
Pero natuwa kami sa nabasa naming balita sa isang entertainment portal na nagkabati na raw sina Nora at Lotlot. Mas ginusto lang siguro nilang ilihim ang pagbabati pero ikinatuwa iyon mga fans ni Ate Guy na matagal nang naghihintay na muling magkasundo ang pamilya.
For sure, masayang-masaya si Ate Guy noong birthday niya last May dahil buo na muli ang kanyang pamilya.
***
SA isang Facebook ay ibinihagi ni Ice Seguerra ang matagal na niyang pangarap na maging film director.
Pero may mga bagay-bagay daw na dumaan sa kanyang buhay na nakapigil sa kanya para ituloy ang pangarap na ito.
Ang akala raw ni Ice ay hindi na ito matutuloy. Pero maraming sorpresa sa buhay na sa atin ay dumarating at kung may pangarap ka gustong matupad, mangyayari at mangyayari din ito.
Finally, natupad na ni Ice ang dream niya sa Dito Ka Lang, isang short documusic tungkol sa kanyang mental health journey.
Ipalalabas ito via Zoom sa June 26 at 5 p.m. to be followed by a panel discussion.
Please click the link to register: https://bit.ly/HPSFFDay2WhenMusicHealsConfrontingDepressi…
(RICKY CALDERON)
-
Desisyon ng Comelec, hihilingin na isaalang-alang
HIHILINGIN ng Commission on Elections (Comelec) sa Korte Suprema na isaalang-alang ang desisyon nito na ang poll body ay nakagawa ng grave abuse of discretion nang i-disqualify nito ang service provider ng Smartmatic bago ito makapagsumite ng anumang bid para sa 2025 elections . Katunayan ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sila ay […]
-
50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang
Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya. Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tinalakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito. […]
-
Miami Heat pasok na sa NBA semifinals dahil sa 4-1 lead sa serye vs Atlanta Hawks
PASOK na rin sa second round ng NBA playoffs ang Miami Heat o sa Eastern Conference semifinals matapos na talunin sa Game 5 ang Atlanta Hawks, 97-94. Ang panalo sa serye ng Miami sa 4-1, ay sa kabila na hindi nakalaro ang dalawa nilang superstars na si Jimmy Butler at Kyle Lowry. […]