• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diasnes, 2 iba pa gold sa taekwondo

BINALIKAT ni Cindy Joy Diasnes ang napasakamay na tatlong gold medal ng Philippine taekwondo squad nitong Linggo sa ASEAN Taekwondo Federation Online Speed Kicking Championships.

 

Namayagpag ang Pinay sa senior female 57-kilogram o featherweight, habang mga naka-gold din sina Justin Kobe Macario senior male 58-kg. flyweight,at Jeordan Dominguez sa senior male 69kg. feather- weight.

 

May limang silver pang nadaleng ang national jins mula kina Darius Venerable, Miguel Alexandre Baladad, Raphael Enrico Mella, Janna Dominique Oliva at Laizel Angela Abucay.

 

Gayundin na 10 bronze na buhat kina Rommel Pablo, Marvin Mori, Joseph Chua, Zyka Angelica Santiago, Jasmin Kaye Maoirat, Jocel Lyn Ninobla, Ju- venile Faye Crisostomo, Abigail Faye Valdez, Aidaine Khrishia Laza at Rhezie Aragon. (REC)

Other News
  • Ads January 21, 2021

  • PH vaccination hindi maapektuhan ng paghinto sa pagbabakuna ng AstraZeneca: DOH

    Naniniwala ang Department of Health (DOH) na hindi maapektuhan ng paghinto sa pagbabakuna ng AstraZeneca ang vaccination program ng Pilipinas laban sa COVID-19.     “I don’t think so,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire nang tanungin sa isang media forum.     Nitong Huwebes nang ipahinto ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) […]

  • Maria Ressa ‘abswelto’ sa 4 na tax evasion cases — korte

    INABSWELTO ng First Division ng Court of Tax Appeals si Rappler CEO Maria Ressa at Rappler Holdings Corp. sa apat na kaso ng tax violations na inihain pa noong 2018.     Miyerkules nang ibaba ng CA ang hatol sa Nobel Laureate at RHC tungkol sa mga kasong nakabinbin pa simula noong nakaraang administrasyon ni […]