• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga kabataan, puwede na sa malls-Sec. Año

PAPAYAGAN nang makalabas at makapunta sa malls ang mga kabataan  basta kasama ang kanilang mga magulang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

 

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na “Para na rin po sa Kapaskuhan ay dun sa ipinag-utos natin na puwede nang gradual expansion ng age group para makalabas ang mga minor.”

 

Subalit, kailangan na maglalabas ng ordinansa ang mga lokal na opisyal tungkol sa pagluluwag ng patakaran para sa mga kabataan.

 

Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong  Duterte, na nasa ilalim ng GCQ mula  Disyembre 1 hanggang 31 ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City.

 

Ang iba pang bahagi ng bansa ay nakapailalim sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ)

 

Matatandaang, inirekomenda ng Department of Trade and Industry sa Inter-Agency Task Force na payagan na ang mga batang edad pito pataas na mapasok sa mall para kumain at bumili ng pangangailangan na kasama ang mga magulang.

 

Pero mananatili namang sarado ang mga palaruan sa mga mall para maiwasan pa rin ang hawahan ng virus. (Daris Jose)

Other News
  • Martinez naagaw ang IBF crown ni Ancajas

    NAAGAW kay Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight championship title, na mula noong 2016 pa niyang hawak.     Ito ay matapos na talunin si Ancajas ni Fernando Martinez ng Argentina sa kanilang umaatikabong bakbakan sa Las Vegas  araw ng Linggo.     Binigyan ng mga hurado ang laban ng 117-111, 118-110, 118-110 na […]

  • ‘Pagsalubong ng New Year sa mga residente ng Xi’an, China mas masahol pa sa simula ng COVID sa Wuhan’

    Mas masahol pa umano ang taong 2022 para sa mga residente ng northwestern city ng Xi’an, ang pagsalubong ng bagong taon kumpara sa taong nagsimula ang COVID-19 sa kanilang bansa.     Mula noong Disyembre, ang ancient city na kilala bilang tahanan ng Terracotta warriors ay nakikipaglaban na sa pinakamalaking community coronavirus outbreak sa China […]

  • Sangkot droga, timbog

    ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang tatlong naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-5:20 ng hapon nang respondehan nina PCpl Regner Tolentino, PCpl Nico Stephen Acebron, PCpl Leonard Acain at PCpl Bienvenido Ducusin Jr, pawang nakatalaga sa […]