• April 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diaz, Ando nakahanda na

MAY dalawang bet ang Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 women’s weightlifting sa Tokyo, Japan na inatrasado ng Coronavirus Disease 2019 na papailanlang na ngayong Biyernes, Hulyo 23 at aabutin ng hanggang Linggo, Agosto 8.

 

 

Sila ay sina Hidilyn Diaz, 30 taon, 4-11 ang taas, ng Zamboanga City sa 55-kilogram class,  at Elren Ann Ando, 22, ng Cebu City sa 64kg.

 

 

Puwedeng ang pang-apat na quadrennial sports festival na ito ng sundalong dalagang si Diaz ang huli na niya.  Puntirya niyang madale ang gold medal para malampasan ang silver sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.

 

 

At higit sa lahat matapos na ang may 96 na taong tag-uhaw sa gold ng mga Pinoy sa paligasahang ito,

 

 

Si Ando naman sa kabilang banda ang isa sa mga tinatayang susunod sa yapak ni Diaz.

 

 

Sa Lunes, Hulyo 26 na ang sabak ni Diaz,  kinabukasan o Martes si Ando sa sport na sisimulan sa Sabado, Hul. 24 at matatapos sa Miyerkoles, Agosto 4.

 

 

Parehong nagpahayag na ng kahandaan ang dalawa sa kanilang mga kampanya rito. (REC)

Other News
  • Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas

    PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City.     Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa […]

  • Estados Unidos, muling pinagtibay ang ‘ironclad’ commitment sa PH-US defense, economic alliance

    NANANATILING “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa ‘economic at defense alliance’ nito sa Pilipinas. Sa courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang, tiniyak ni US Defense Secretary Pete Hegseth kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “very committed” si US President Donald Trump na mas palalimin pa ang alyansa ng Washington, pagkakaibigan at partnership sa […]

  • Bukod sa pagiging abala sa pagdidirek: XIAN, bibida uli sa teleserye at makatatambal si Ashley

    SI Xian Lim ang magdidirek ng bagong music video ni Glaiza de Castro.   Naging close ang dalawa pagkatapos nilang magtambal sa GMA teleserye na ‘False Positive’.   Sa kanyang Instagram, nag-share si Xian ng ilang photos sa unang araw niya ng shooting kasama ang OC Records sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bataan.   […]