Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
INALIS ng International Weightlifting Federation (IWF) ang women’s 55-kilogram division para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.
Dahil dito ay nagdesisyon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa mas mababang 49kg. category sa kanyang pagsabak sa nasabing quadrennial event.
Sa kabila ng pagkakaroon ng coronavirus disease (COVID-19) noong nakaraang linggo ay patuloy pa rin sa kanyang pag-eensayo si Diaz habang naka-quarantine para paghandaan ang mga Olympic qualifying.
“Kahit qualifying rounds ito I really need to prepare, then I have to drop weight,” wika ng 30-anyos na national weightlifter na tinamaan pa rin ng virus bagama’t mayroon na siyang booster shot.
Ang 49kg. division ng Tokyo Olympics ay pinagreynahan ni Chinese lifter Hou Zhihui.
-
ANDRE, longtime dream ang makapasok sa PBA tulad ng ama na si BENJIE
DAHIL opisyal nang PBA player na si Andre Paras after siyang ma-draft sa Blackwater team, kikita ito ng higit na P3 million for two years sa pinirmahan niyang kontrata. Mahahati nga raw ang panahon ni Andre between sports at sa showbiz. Kasalukuyang host si Andre ng GTV game show na Game of the […]
-
P144-B revenue sa POGOs makakatulong sa COVID-19 response, economic recovery – Salceda
Aabot ng hanggang mahigit P144 billion ang kikitain ng pamahalaan mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) matapos na aprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas para sa tax regime ng naturang industriya. Sa pagtataya ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, P15.73 billion ang kikitain ng pamahalaan […]
-
30K MT importation para maging matatag ang suplay sa ‘closed fishing season’- BFAR
SINABI ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang pag-angkat ng 30,000 metric tons (MT) ng isda ay makatutulong para mapanatiling matatag ang suplay sa lokal na pamilihan sa panahon ng taunang ‘closed fishing season’ na itinakda tuwing Nov. 1 hanggang Jan. 31. Sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na ang supplementary […]